COMPLETE | A THREAD STORY ______________ "Lou! Ilang beses ko bang dapat na ipaintindi sayo na LOLOKOHIN KA LANG ULIT NI LORVIN! Hindi mo ba nage-gets? Niloloko ka lang nya!" Sigaw ko sa tanga kong kaibigang si Lou na paulit ulit na pinapatawad ang gagong Lorvin na yun. "But I still love him, Elle. H-hindi mo na mababago yun! I still love him at sana naman tanggapin mo na sya..." umiiyak na saad ni Lou. "Hindi ko matatanggap yang Lorvin na yan! Kahit pa noon, hindi na ko boto sa kanya dahil babaero sya. Hindi ka pa ba natauhan na sa paulit-ulit na panglolokong ginagawa nya sayo? Paulit-ulit mo syang pinapatawad at paulit-ulit ka rin nyang niloloko! Paki-usap naman Lou! Matauhan ka na!" Nangigigil na paki-usap ko sa kanya. "Ayoko, Elle. Mahal ko pa rin si Lorvin kahit minsan na nya kong niloko. Sabi nga nila di ba? Kapag mahal mo, kahit paulit-ulit ka nang sinasaktan, tatanggapin mo pa rin dahil nga mahal mo. Palibhasa kasi hindi ka pa nagmahal nang todo kagaya ko! Palibhasa kasi ang panget nang ugali mo kaya walang nagtatagal na lalaki sayo!" Pang iinsulto nya. ~~~ Kaibigan pa rin ba ang turing mo sa'kin?