Dahil sa pagpupumilit ng ama ni Tangi na mag-asawa na siya ay dumating ito sa punto na ito na mismo ang naghanap ng lalake para sa kaniya. Si Rozzean Cyron Valleje. Isang kilalang negosyante, bilyonaro at talagang maganda ang imahe nito sa kaniyang ama. Dahil wala sa isip niya ang pag-aasawa at masaya na siya sa buhay niya ay nagkaroon siya ng plano. Kailangan niyang makita ang pangit na ugali ng lalake upang mapatunayan sa kaniyang ama na mali ito. Sinabi nito na kapag napatunayan niya mismo na masama at babaero si Rozzean ay papayag na ito sa lahat ng gusto niya. Kaya't ang ginawa ni Tangi ay pumasok siya sa mansyon ni Rozzean bilang katulong, itinago niya ang totoong katauhan niya. Ngunit unang araw pa lamang niya ay nais na niyang umuwi ng bahay niya dahil sa hindi inaasahang tagpo nila!