Gold diggers. Naniniwala si Emerald na lahat ng kayaman ng pamilya ni Sydney Ohara ay dapat na sa kanila lang. Silang mga legal na Ohara lang. At nangako siya sa sarili na babawiin lahat ng iyon, kasama na ang paraiso sa isla ng Quezon. Paano mababawi ang lahat ng iyon? Akitin, pikutin at pakasalan ang taong tiyak na magmamana ng lahat ng meron si Sydney. Ang target niya? Ang fourth cousin niya, the high and mighty Summer Blaze Saavedra-Ohara. Gagawin niya ang lahat, kahit na ilagay sa eskandalo at kahihiyan ang sariling pamilya. She deserves to be the next Chairwoman of Ohara Empire. Pero talagang hadlang nga yata ang kalangitan sa kasamaan niya dahil imbes na si Summer ang makasama niya sa kwarto, ay ibang nilalang pa. Ang pangalawang kapatid nito, ang pinakamahirap na yatang Ohara. Ang trying hard author na si Storm Ohara...