Bata palang si Ksenia ay alam niya nang pinagkasundo siya sa mayaman angkan na kaibigan ng pamilya niya kaya noong naulila siya sa edad na labing apat na taong gulang dahilan sa hindi inaasahan aksidente sa kaniyang magulang ay kailangan niyang harapin ang katotohanan at sumama mismo sa bagong guardian niya na siyang mapapangasawa niya sa tinakdang panahon. General Mc Llonard Sanchez he is the guardian and soon to be husband of Ksenia at the right age. Wala siyang ginawa sa dalagita kundi alagaan ito hanggang sa mag-dalaga. Naging magbest-friend silang dalawa at dumating ang takdang panahon na nahulog ang loob nila sa isa't-isa at naging mag-asawa. Kapwa silang nangarap para sa kinabukasan tungo sa hinaharap lalo na ang tinatawag na pamilya pero-pa'no kapag sinubukan sila ng tadhana? Isang trahedyang babago sa buhay nilang mag-asawa. Paano niya ilalaban ang pagmamahal kung hindi na siya kilala ng taong pinaglalaban niya? Paano niya tatangapin kung ito na mismo ang nag-sabing-may sarili na itong pamilya? Kaya niya bang kalimutan na lang ito at ipaubaya ang asawa sa kinikilala nitong pamilya o ilalaban niya ang karapatan niya bilang asawa nito hanggang sa tamang panahon na binigay sa kaniya upang mag-desisyon para sa buhay niya!