Mga ilang taon narin ang nakalipas. ito na siguro ang una at huling araw na makakatapak ako sa lugar na ito. kita ko ang lungkot sa mga mata ng mga taong nakasama ko sa ilang taon kong pananatili dito. walang gustong magsalita, ngunit bago pa man ako makatapak sa pintuan naramdaman ko ang mahigpit na yakap ng isa sa kasamahan ko, sumunod na rin ang tatlo na ngayon ay hindi na mapigilang umiyak. ramdam ko ang mahigpit na pagkakakapit ng isa sa braso ko na pinipigilan ang pag-alis ko. tanging hagulgol narin lang ang naririnig mo sa loob ng selda, gusto ko mangyakapin sila pabalik ay hindi ko magawa. maaaring ito pa ang dahilan ng matagal na pagkalimot nila sa akin. kung ako man ang tatanungin sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko? iyon ang nakasama at nakilala ko sila sa maikling panahon. naging malaking parte narin sila sa pagkatao ko, at dahilan kung ba't ako patuloy na nabubuhay. pinakita nila sa akin ang totoong mundo at ang kahalagahan ko sa mundong ito. tanging pasasalamat na lang ang magagawa ko sa mga kabutihan nila sa akin. kung bibigyan man ako ng pagkakataong mabuhay, gusto ko silang suklian ng kabaitan na binigay nila sakin ngunit, siguro ito na ang huling hantungan ko... ito na ang dulo ng buhay ko because, me Ravina Dealian, the villainess who are changed is destined to die. ______ published start: October 15, 2024