"I love you, Rose Ann. You are the greatest thing that ever happened to me." Siyam na taon na ang lumipas nang sabihin iyon sa kanya ni James. Pinanghawakan niya ang pahayag na iyon ng kaibigan at kababata. Nangarap siyang pagdating ng tamang panahon ay sila ang magkakatuluyan. Ngunit ang lahat ng iyon ay mananatiling ilusyon na lamang. Dahil iba ang niligawan at naging nobya ni James si Larraine, ang isa pa nilang kababata. Hanggang kailan niya pagtitiisang masaksihan ang pagkakaroon ng relasyon ng mga ito? Minsang nakalimot silang binata, paano kung habang inaangkin siya ni James ay si Larraine ang nasa isip nito? At kailan niya masasabi kay James na: "Mahal kita, kaibigan '"?