Ilang daang libong taon na ang nakakaraan mula nung natapos ang pinaka-malaking digmaan sa kasaysayan ng sanlibutan. Digmaan na siyang halos umubos sa bilang ng mga nilalang na nakatira sa mundong ito. Sobrang daming buhay na nawala, dugo na bumuhos, luha na umagos. Ngayong kasalukuyan ay muling nagbabanta ang pagka-ulit ng masalimuot na nakaraan. May mga naglabasang tila pinto sa iba't ibang sulok ng mundo. Naglalabas ng mga malalakas na halimaw at masasamang nilalang. Mga nilalang na ang mga natatanging indibidwal lamang ang kayang tumalo. Alam ni Seth Morris na hindi siya nabibilang sa mga natatanging indibidwal na iyon. Sa mga hunters na iyon na animo'y walang hanggan ang kapangyarihan. Lalo na't isa lamang siyang hamak na rank E at itinuturing pa nga na pinakamahinang hunter sa kasaysayan. Ngunit kailangan niyang lumaban. Kailangan niyang itaas ang sandata niya dahil hindi lang buhay niya ang nakataya. Nakasalalay din ang buhay ng mga taong mahal at pinapahalagahan niya. Kailangan niyang lumaban upang mapigilan ang mga nilalang na nagnanais na sakupin ang sanlibutan para mapasakamay ang natatanging trono. Trono na bakante at siyang pagmamay-ari ng natatanging nilalang na isang beses na na namuno sa mundong ito.