CHAPTER 1

7 0 0
                                    

Napa-hilamos ako sa muka ko habang nakatingin sa harap ng computer ko. Napabuntong hininga pa ako habang nakatingin sa mahabang listahan na iyon ng mga kailangan kong bayaran.

Kailangang bayaran ang lahat ng iyon bago matapos ang buwan na ito. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera para mapunan lahat ng iyon.

Napa-sandal ako sa inuupuan ko at napatingala sa kisame.

Ilang taon na rin ang lumipas mula nang matanggap ko ang blessings ko. Noon, akala ko ay magiging madali na ang lahat sa oras na ma-awakened ka. Akala ko ay mawawala na ang lahat ng problema at magkakaroon ng solusyon sa lahat dahil nga matatanggap mo na ang kapangyarihan na pinagkaloob sa'yo.

Masyado akong naging kampante na hindi ako babagsak sa mababang ranggo gayong mula pa nung bata ako ay natural na akong mahina. Mahina sa lahat ng bagay at sadyang walang kakayahan.

Akala ko'y baka sakaling ang magiging tanging swerte ko ay ang magiging rank ko. Inaamin kong masyado akong naging tanga sa parte na iyon.

Syempre babagsak ako sa mababa, sa pinaka-mababang ranggo. May kakayahang kumontrol ng apoy ngunit kahit yata ang pinaka-mahinang nilalang sa mga dungeon ay hindi ko man lang magagalusan.

Walang kwenta. Talagang walang silbi. Hindi ko nga alam bakit pa ba ako na-awakened.

"Kuya Seth!"

Halos mapatalon ako sa gulat at agad na pinatay ang computer ko.

Ilang sandali lang ay lumitaw na sa pinto ang nakababata kong kapatid na babae. Base sa itsura nito ay halatang kagigising niya lang.

"E-Eve..."

"Bakit ka nakabihis?" Kumurap kurap pa ito. "May pasok ka?"

Bahagya akong ngumiti. "Hmm. Maiiwan ka ulit mag-isa rito, ayos lang ba?"

Lumobo ang pisnge nito at humaba ang nguso. "Syempre! Hindi na ako bata, no!"

Lumapit ako rito at bahagyang ginulo ang buhok nito. "I know. Matulog ka na ulit. Pupuntahan na lang kita sa kwarto mo kapag aalis na ako."

Makikipagtalo pa sana ito ngunit naging pinal na ang salita ko. Alam kong gusto niyang matulog dito sa kwarto ko kasama ako ngunit sadyang kailangan kong pumasok ngayon.

Ilang buwan na lang din kasi ay matatapos na ang klase at ga-graduate na rin ako sa high school sa wakas. Matapos kasi non ay maari na akong kumuha ng lisensya ko bilang isang ganap na hunter. Maari na akong sumali sa mga squad at pumasok sa mga dungeons.

Pwede na akong kumita ng pera. Hindi man malaki ngunit masasabi kong mas malaki na rin kumpara sa kikitain ko sa mga normal na trabaho.

Sino ba namang kayang mag-tiyaga sa ganong kaliit na kita? Psh.

Tumayo na ako at kinuha ang bag ko na nakapatong sa kama. Isinukbit ko lang iyon sa balikat ko at lumabas na ng kwarto.

Dumiretsyo ako sa kwarto ni Eve at naabutan itong tulog na tulog. Mukang masarap talaga ang tulog nito kaya paniguradong magwawala ito kapag gising ko.

Napailing ako at lumapit rito. Naging tahimik at maingat ang kilos ko upang masigurong hindi ito magigising. Nilapag ko ang isang maliit na sulat sa side table niya na nagsasabing nakaalis na ako at huwag bubuksan ang pinto kapag hindi siya siguradong ako ang kumakatok.

Bago tuluyang lumabas ay pinagmasdan ko lang ang maaliwalas nitong muka. Sa ganitong posisyon kasi ay muka itong walang problema at panatag sa lahat ng bagay.

Sana nga ay ganon na lang talaga sa totoong buhay.

Sana ay maayos ang naging buhay namin. Sana ay namumuhay siya nang walang takot at walang trauma dahil sa mga bagay na nangyari noon. Sana ay kaya niyang mamuhay ngayon gaya ng mga bata na kasing-edad niya.

Throne of God Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon