Sanay na sanay na si AJ Guevarra na napapaligiran ng mga kalalakihan. At iyon ay hindi dahil sa taglay niyang charms-kung meron man siya noon. Growing up in a family like hers, hindi siya pwedeng magpaiwan at magpatukso sa mga kuya at pinsan niya. Kailangan niyang makipagsabayan. Kailangan niyang makaangat. Everything was going well, hanggang sa tumapak si Jake sa talyer nila. Jake Vincent Lim has got the big brother act down to pat. Walang makakalapit sa kapatid niyang si Vivian hangga't humihinga pa siya, that's for sure. Pero sa hindi niya maintindihang pangyayari ay nagawang saktan ito ng isang Guevarra. Gagawin niya ang lahat para sa kapatid kaya nga dali-dali siyang nagpunta ng Batangas with one thing in mind: revenge. At kilala niya kung sino ang makakatulog sa kanya sa mga plano niya. His mind is all about planning at rationalizing pero nang makilala si AJ, everything changed and backfired. Maybe the perfect revenge is not that perfect after all. FRAGMENTED HEARTS #2 (Can be read as a standalone) Cover art by Tricia Mabale (IG: @triciamabale)