13 parts Complete High school pa lamang siya ay mahal na niya si Harold,ang apo ng mga amo ng kanyang mga magulang.Itinago niya iyun,at nakuntento na siyang mangarap na isang araw ay mapapansin din siya ng lalake.Ang masakit,narinig pa niya mismo sa bibig ng lalake na kahit kailan ay hindi ito magkakagusto sa kanya.Dahil parang sa isang nakababatang kapatid lamang ang nararamdaman nito para sa kanya at dahil siya ay anak lamang ng mga trabahador ng pamilya nila.
Sa gabi ng graduation niya sa high school,na-broken hearted siya dahil doon.Sa tulong ng Lola ni Harold,nakapag-aral siya sa Maynila.Ngunit bago siya umalis noon ay nagkaroon sila ng kasunduan ng matanda.Na kung sa pagbabalik niya,pagkatapos ng kanyang pag-aaral at sasabihin niyang mahal pa rin niya ang lalake,at pareho pa silang single,ang matanda na daw mismo ang gagawa ng paraan para magkatuluyan sila ni Harold.Iyun ang ginawa niyang inspirasyon.Ngunit nakahiyaan na niyang aminin ang totoo noong makapagtapos siya.Umalis siya uli at nakipagsapalaran,una sa Maynila,pagkatapos ay sa abroad naman.At ngayon pagkatapos ng labindalawang taon mula ng gabing iyun,nagkita uli sila.And sparks still fly,ngunit nasanay na siyang itago ang damdamin.Determinado siyang itago na lamang iyun habang buhay kaya naman nagpanggap siyang may kasintahan at malapit na silang ikasal.Bumili pa siya ng props niyang singsing para ipakitang engaged na siya.Ngunit nag-backfired ang plano niya,dahil lalo lamang siyang nahulog sa lalake.Isa pa ang Lola nito,ipina-alala yung kasunduan nila noon.Pati tadhana at mga sirkumstansiya nakialam na,kaya hayun kailangan nilang magpakasal.PAano na ngayon?Siya nga ang chosen bride ng Lola nito,ngunit siya din ba ang chosen bride ng lalake? At sa totoo lang masakit sa ulo,at lalong masakit sa puso,na hindi niya alam ang tunay na damdamin ng lalake.Kaya kahit nasa mga palad na niya ang katuparan ng parangap niya,umalis na lang siya.
***Book cover by Maria Olivia