Maraming nagsasabi na naloloka na ako. Bat daw kasi sa dinami-dami ng tao sa mundo, sakanya pa ako nagkagusto. Isang lalaking di papasa sa pisikal na pamantayan ng maraming kababaihan. Walang mamahaling sasakyan. Walang magagarang damit. Hindi kasikatan. Pero kahit ganoon, siya ang napili ko. Ang nagparanas sakin ng totoong kulay ng mundo. Ang nagbigay ng kahulugan sa buhay ko. Ang kaisa-isang tao na nagparanas sakin ng pag-unawa. Ngunit handa ba akong talikuran ang lahat ng meron ako... kapalit ng kaligayahan ko sa Boyfriend kong Ermitanyo?
7 parts