The Memo

12 0 0
                                    

Alas kwatro na ng hapon.

Di ko namalayan ang paglipas ng mga oras. Mabuti na lamang at hindi gaanong marami ang pumuntang studyante ngayon sa Guidance office at kung hindi, siguradong mas lalo akong mai-stress.

Pagkatapos nina Renan at Andrew kasi ay may panibagong bumisita saakin. This time, dalawang babaeng studyante naman ang nagkaroon ng alitan. Mukhang love life ang pinagmulan ng away.

Ayon sa kwento kasi nila, inagaw umano ni Dina ang boyfriend ng best friend nito.

I mentally slap my forehead. Seriously? Buti pa etong mga batang ito ay nakuha pang pag awayan ang mga lalaki.

I just advised them to cool off their prides and stop worrying about love life. Ang babata pa nila! I told them to focus on studies first then talk to each other Pag hindi na sila parehong galit.

*kring kring*

Nakakunot kong hinanap ang cellphone ko.

San nanaman kaya nagsuot yun?

*kring kring*

Urgh. Eto ang problema ko. Madalas kong nakakalimutan kung saan ko inilalagay ang mga gamit ko. Madalas sinusukuan Kong maghanap.

After forever, nahanap ko din ito sa ilalim ng libro.

Pano napunta to dito?

"Hello?"

"Thank goodness! Akala ko di mo na sasagutin. Aba, ang tagal sumagot ha. San mo nanaman sinuot yang cellphone mo at ang tagal mong sumagot?" Sunod sunod na sabi nya.

"Paulit ulit talaga Kath? At saka whats with the call?"

"Of course Ayen. Remember the repetition rule? Inaaply ko lang sayo. Anyways, I am just checking kung nareceive mo yung memo regarding the Forest Preservation and Green World Camp. Knowing you, mukhang nakalimutan mo nanaman yun. And we need to get ready, 3 days din yun."

Ang Forest Preservation and Green World Camp isang annual camp slash trip slash training ng buong school with the school personnel, teachers and non-teaching staff. Pumupunta ang mga school staff together with the others from chosen schools on the division to conduct a research studies and training regarding the preservation of forests in the Philippines. Paraan din eto ng DepEd and DENR to educate us on the life of people inside the forest.

"Yeah, It almost slipped my mind. I am going to pack as soon as I get home. Thanks for reminding though."

"Welcome. And Ayen?"

"Yes?"

"Balita ko madaming cute teachers ang pupunta. Besides, I heard na cute din yung mag to-tour satin dun..."

Humagikgik pa sya pagkatapos nyang sabihin yun.

Alam nya kasing loveless ako at alam nyo naman ang roles ng bestfriends diba? Meddling with your lovelife.

"...be ready at ipapakilala kita!"

I groaned at her enthusiasm.

"Whatever Katherine."

Ang Boyfriend kong ErmitanyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon