CHAPTER 7
Abot-abot ang kabang nararamdaman ko. Mabilis na nagkakarerahan ang mga kung anong daga sa dibdib ko. Sino ba naman ang hindi? Una, ni hindi ko alam kung saang lupalop ako ng mundo, at pangalawa, ni hindi ko alam kung makakauwi pa ako ng buhay sa bahay.
Malakas na kalabog ng kawayang pinto sabay ang impit na sigaw ang lumabas sa bibig ko. Iniluwa niyon ang isang lalaking mahaba ang balbas, salubong na kilay, matangkad, moreno at higit sa lahat, ang pinakanapansin ko ay ang nakasublit na itak sa kaliwang bewang nito.
"Aaaaaaaaah!"
Eh? I-isang ermitanyo?
Nakita kung napakunot ng noo ang lalaki. Hindi ko maaninag masyado ang kabuuang mukha nito ngunit nababakas ko sa aura nito na mukhang masama ang timpla nya. Ibagsak ba naman yung isang pumpong na kahoy na dala nya!
"S-sino ka? Anong nangyari sakin? Paano ako nakarating dito? Asan ako?" Kinakabahan ngunit sunod-sunod kong tanong.
Nilagpasan nya lang ako sabay kuha ng pitsel. Napanganga nalang ako habang nagsasalin siya ng tubig sa baso. Walang anu-ano'y diretsahan nyang nilagok iyon.
Bam! Mukhang iritable talaga siya at ibinagsak sa mesa ang pitsel at baso. Aba!
Bigla niya akong nahuling nakatitig sa kanya. Tiningyan nya ako ng masama. Teka, anong problema ni Ermi? (Yep, from now on, I will call him Ermi, short for Ermitanyo.)
Psh. Ermi Sungit.
"Oh kainin mo."
Di pa man ako nakakapagsalita ay agad nya ng pinasak sa bibig ko ang saging. Oh Lord! Papatayin nya ba ako?
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend kong Ermitanyo
RomanceMaraming nagsasabi na naloloka na ako. Bat daw kasi sa dinami-dami ng tao sa mundo, sakanya pa ako nagkagusto. Isang lalaking di papasa sa pisikal na pamantayan ng maraming kababaihan. Walang mamahaling sasakyan. Walang magagarang damit. Hindi kasik...