I clutch my backpack securely. Maaga kaming umalis ng school para di kami tanghaliin sa daan.
Papasikat palang ang araw at damang dama ko ang lamig ng hangin na tumatama sa aking pisngi.
Bahagya kong itaas ang zipper ng aking jacket.
"All right, Team, let's get going. By the way, I am Mark Pelaez, your guide..."
Di ko na narinig ang ibang sinasabi ng guide namin dahil sa biglang pagsulpot ni Kath sa tabi ko.
"Uy, Ayen, kanina kapa? Medyo na-late kasi ako ng gising. Buti pala naabutan ko pa kayo. Oh my Gosh, is that Mark?"
"Huh? Sinong Mark? At saka, akala ko ba, ikaw ang excited sating dalawa sa trip na to? Anong nangyari sa number skills mo at parang di mo yata napansin ang oras?"
Math Teacher kasi yang si Kath sa sister school ng school namin. We are bestfriends mula nung naglalampin palang kami.
"Che, I am good with numbers, just not a fan of waking up too early in the morning."
Ilang sandali lang, nagsimula na silang maglakad.
Nasa unahan ang Team Leader na si Sir Mark, kasama ang ilang DepEd officials, tatlong non-teaching staff, sampung guro mula sa Academy, dalawang head ng department and six from DENR.
We sure are many.
Nilingon ko ang kanina'y pwesto ni Kath.
Wala na.
Nagpalinga-linga ako at natagpuan ko syang nasa gawing unahan na ng grupo.
Dream boy mode on.
Ayun at busy na nakatingin kay Sir Mark na kung aakalain mo talagang nakikinig talaga.
I know better. Nakangiting saad ng utak ko.
Mga 45 minutes na din kaming naglalakad at nararamdaman ko na ding ang bubutil na pawis sa likod ko. Tuluyan na ding sumikat si haring araw.
"...this part of the forest is definitely protected by the local government. We want to make sure na ma-preserve ang kagandahan nito at especially hindi masira for the future generation. We also impose rules para sa mga tourists na nais bumisita sa lugar to prevent them from abusing it, syempre, with the help of the local government."
Hindi ko na narinig pa ang ibang sinasabi nila ng bigla akong nakarinig ng pagaspas ng tubig sa di kalayuan.
Bigla kong naalala ang Nanay ko.
Madalas ako noong sumama kay Mama sa ilog. Ako ang tagabitbit ng batya para sa paglalaba.
"Nak, wag kang masyadong lalayo ha. Malalim na dyan. Di ka pa naman marunong lumangoy."
"Opo Ma."
Pero dahil sa nawili akong manood sa mga isda habang sila'y lumalangoy, di ko namalayang malalim na pala ang natatapakan kong parte ng ilog. Maya- maya ay may tumalong isda sa tubig. Sa gulat ko ay nadulas ako sa tinatapakan kong bato dahilan para mahulog ako.
Agad akong tumingin sa paligid.
Asan na sila? Nagpapanic na tanong ko.
Dahil sa pagaspas ng tubig na narinig ko ay di ko namalayang hindi na ako nakasunod sa mga kasamahan ko.
Oh my God. Nawawala ako!
Sinubukan kong maglakad at baka mahanap ko sila.
Cellphone!
Naalala kong pwede ko pala silang itext o tawagan.
"Ako na muna ang magtatago nito ha. Baka naman kasi hindi mo nanaman maalala kung saan mo tinago. Napakamalilimutin mo pa naman."
Oops. Pinahawak ko nga pala kay Kath yung cellphone ko kanina. Pano na 'to?
Nagpatuloy akong maglakad patungo sa direksyon kung saan ko sila huling nakita.
Matapos ang ilang saglit, natagpuan ko ang aking sariling nakatanaw sa isang waterfalls.
Magnificient.
Nakakalula ito sa ganda. Kung pagbabasehan ang estimation ko, nasa 600-700 feet ito. Napapaligiran ito ng napakadaming halaman, puno at naglalakihang bato. Sa gawing kanan ay makikita ang isang kweba na nababalutan ng napakaraming baging.
Meron ding mga tumutubong bulaklak sa may pagitan ng mga bato malapit sa tubig. Kulay lila ito at maliit ngunit napakaganda. Sa tuwa ko ay inabot ko ang mga ito.
Galaw, usog, sulong. Konti na lang.
Aaaaaaaaaaaaaaaaah!
At tuluyan na akong nadulas at bumulusong sa tubig.
Ang sinag ng araw ang huli kong nakita bago ako mawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend kong Ermitanyo
Storie d'amoreMaraming nagsasabi na naloloka na ako. Bat daw kasi sa dinami-dami ng tao sa mundo, sakanya pa ako nagkagusto. Isang lalaking di papasa sa pisikal na pamantayan ng maraming kababaihan. Walang mamahaling sasakyan. Walang magagarang damit. Hindi kasik...