"Wala namang mababago sa pagtingin ko sa iyo pero kaibigan lang ang pwede kong ialay sa iyo. Kung higit pa 'dun pasensya na di ko makakaya.... Dahil ayokong mawala ka. Kaya mas ok kung kaibigan kita." Magulo. Malabo. 'Yan ang status na karaniwang ibinibigay sa relationship na 'di mo alam kung ano ba talaga. Called it maybe ika nga sa isang movie. MU-Malabong Ugnayan. Tagu-taguan. Kunwa-kunwarian. Pretending. Assuming. At kung anu-ano pa. Pero bakit kaya dumarating sa point na kapag aaminin mo na sa kaibigan mo na mahal mo na pala s'ya, ang sasabihin lang niya sayo na mas mahalaga ang pagkakaibigan niyo kaysa sa kasiguraduhan na may lebel ang relasyon ninyo. Tatanggapin mo na lang ba? Kakalimutan mo ba ang nararamdaman mo para lang ulit makasama s'ya? O, ang tanging paraan ay iwan nalang s'ya para mawala ang sakit na iyong dala-dala? Ang pagiibigan? Na walang lebel. Walang kasiguraduhan. Magulo, Malabong Pagkakaibigan ©TeNors