Siya si Winona Magtalo from the Philippines. Mabait, cute, hindi gaanong katangkaran pero pwede na din naman. Winwin ang tawag sa kanya ng kanyang mga magulang, Nona naman siya sa kanyang mga kaibigan at isang malaking The Who para sa iniidolo niyang si Haruki Kitagawa from the Land of the Rising Sun, Japan. Si Haruki, o mas kilalang Haru sa mga fans nitong katulad niya, ay ang drummer ng Japanese rock band na matagal na niyang hinahangaan. Gwapo ang Hapones na binata, matangkad at sikat na sikat ito sa mga babaeng katulad niya. In short, galing silang dalawa sa magkaibang mundo. At sa mas lalo pang pinaikling kwento, hindi sila bagay at mukhang kahit kailan ay hinding-hinding magkukrus ang mga landas nila. Iyon ang akala ni Nona. Ngunit nang isang araw ay nakita niya ang binata at nanghingi ito ng tulong sa kanya, doon na nagsimulang maging magulo ang buhay niya. Lalong-lalo na ang puso niya.