Absam_08
Eighteen years ago, ang "Elite Squad" ng Star City-sina Angela, Jhoanna, Sarah, at ang mga partner nilang sina Glen, Asher, at Allen-ang naghari noong college days nila dahil sa tindi ng talino at solid na pagkakaibigan. Pero sa pagsikat nila, marami silang nasaktang damdamin at naging kaaway. Isa na doon si Elise, ang babaeng bigla na lang nawala matapos mabalitang nagka-mental breakdown at nag-suicide.
Fast forward sa kasalukuyan: ang mga anak naman nila ang bumubuo sa "Legends of Emerald" section sa University of Star City. Dahil ipinanganak na mayaman at may talento, kailangang kayanin nina Amor triplets (Angel, Ela, Oliver), Castillo triplets (Ash, Sehun, Anna), Fernandez twins (Andres, Sofia), at Tan cousins (Valerie, Benedict) ang pressure ng pagiging "elite."
Ang akala nilang simpleng journey para sa academic competition at musical triumph ay biglang magiging laban para sa kanilang kaligtasan. Nagbalik ang isang multo mula sa nakaraan ng kanilang mga magulang, at hindi lang siya basta nakikigulo-gusto niyang tuluyang sirain ang legacy ng mga pamilyang "nagnakaw" ng kanyang kinabukasan.