Nakakafrustrate !
Ngayon mo lang na feel to. Frustrated, pressured, and hopeless !
Damn !
Yung feeling na ang dami mong gustong gawin pero hindi mo alam kung saan mag sisimula .
Yung feeling na yung dream work mo hindi mo pa makuha, almost 3 yrs na. Pangatlo mo na to. At hindi mo na hinihiling na umabot sa apat. Palagi na lang back to basis, ilang beses mo pa kaya dapat umulit ng mahabang proseso? Lahat naman ng efforts mo binibigay mo sa lahat ng pagkakataob. Palagi mo siyang pinagpepray, pero hindi pa rin nangyayari. Palagi na lang SUBSTITUE ang nabibigay. Yung feeling na SECOND CHOICE ka lang. Hindi ka PRIORITY.. Sakit diba
Lahat ng kasabay mo mag apply napermanent na, ikaw napag iwanan na.
Bakit ganun?
Yung kahit na hindi sabihin ng parents mo, alam na nabuburden na rin sila.
Napepressure ka sa sarili mo.
Ilang beses mo ba kailangan i-lift up ang sarili ko? Na everytime na may mangangamusta, "OKEY LANG" at "AYOS LANG" ang isasagot mo.
Palaging ganoon, tama nga sila na kapag laging "okey lang" lang ang sagot mo tuwing kukumustahin ka nila ay naiipon sa puso mo yung lungkot at sakit.
Naiipon at nagsalo-salo sila sa puso mo hanggang sa sumabog ka na lang, pero ang tanging nagagawa mo lang tuwing sasabog yan ay ang magkulong sa sulok at umiyak ng walang nakakakita sayo.
Ayaw mo kasi na nakikita ka nilang mahina, umiiyak, at hindi mo kasi ugaling magkwento at sabihin sa iba na nahihirapan at nalulungkot ka. Coward right?
Masakit oo, pero hindi mo kayang sabihin sa mga tao sa piligid mo yang nararamdaman mo.
Minsan, gusto mo pumunta sa isang lugar para maglabas ng sama ng lungkot pero hindi mo naman magawa.
Bakit ganun?
Naiinip ka, nauubusan ng pasensya, nawawalan ng pag-asa pero wala kang choice kundi maghintay at maghintay at maghintay.
Maghintay sa magandang plano ni Lord sa buhay mo.
Mahirap at masakit umasa pero yung lang ang tangi mong mgagawa sa ngayon ang umasa.
Sana lang wag kang umasa sa wala, dahil mas masakit yun.