Dalandansoy

thanks for those who fanned me up. :3 i was not expecting that. :D

Dalandansoy

Sa pagkakaalam ko, hindi mo maaring matutunang magmahal. Hindi mo maaring maturuan ang mga hormones mo sa katawan na magparami. Hindi mo ito madidiktahan kung kailan ito lalabas o hindi. Hindi mo kayang pilitin ang isip at puso kung hindi naman tapat ang nararamdaman sa una pa lang. Lahat yan may natural na prosesong sinusunod na maaring sila - ang iyong katawan at pag-iisip at sige, isasama ko na rin ang puso - lamang ang may kakayanang magmanipula. Sinumang nagsabi na natutunan ko siyang mahalin ay nagkakamali. Lalo na iyong susubukan ko siyang mahalin. Nakakapantig sa tainga. Hindi maaring magpalabas lang ng Oxytocin or kahit anong hormone pa yan. Ang pagmamahal ay natural na lumalabas kagaya ng ebolusyon ng kahit anong organismong nabuhay at nabubuhay. Walang pilitan. Hindi isang laro ang pagmamahal na kapag sinubukan at pinagsawaan, itatago na sa kahon ng iyong mga laruan. Huwag mong sasabihin sa akin na natututunan ang pagmamahal. At huwag na huwag mong idadahilan sa akin na kaya mo siya iniwan kasi hindi mo siya natutuhang mahalin dahil hindi mo siya minahal sa unang paksa pa lang. Ang paglisan, kailanman, ay hindi mo mabibigyan ng dahilan.