Ang pangarap ay parang isang paglalakbay, huwag mong isipin kung gaano kalayo pa, isipin mo kung gaano kalapit na lang.
Sa lahat ng mga estudyante, kabataan, at lahat ng taong nangangarap. Huwag kang susuko, madapa ka man ay subukan mong muling bumangon. Masaktan ka man, makakahanap ka din ng kagamutan. Lahat ng daang tatahakin mo ay may nag-aantay na problema, sakit at kalungkutan. Pero subukan mong gamitin ang lahat ng sugat na naipon mo para muling magpatuloy.
Walang masamang mapagod, hindi masamang magpahinga, at lalong hindi masamang lumuha. Basta sa susunod na bukas ay handa ka na ulit bumangon at akayin ang sarili mo sa pagpapatuloy ng paglalakabay.
Magtiwala ka lamang sa sarili mo! Kaya mo yan!
Tumingin ka lamang sa unahan at magpatuloy sa paghakbang.
Laban lang kaibigan, muli tayong magkwentuhan pagdating natin sa ating destinasyon.
Kung wala pang bumabati sa iyo, Magandang Umaga!
Mahal ka ng Diyos❤️Maniwala ka❤️
----- si posso -----