Yow, wazzup. Ang tagal ko ng walang UD, hindi lang busy kundi wala din kase ako sa focus nitong nagdaan'g mga araw. Hindi ko alam, pero unti-unti na akong nawawalan na ng gana sa pagsusulat. Hindi ako nagsisising pinasok ko ang pagiging writer, sa katunayan ay nakatulong pa nga ito upang mabawasan ang stress at anxiety ko, dahil napapagana ko ang aking imahenasyon sa mundong aking ginawa.
Ngunit, ngayon na dumadami na ang mga bumabasa sa mga stories ko, natutuwa at nagpapasalamat po ako para doon pero, mas lalo akong nababahala sa bawat opinion at humuhusga sa aking mga gawa. Magdamag akong nago-overthink at palagi ng wala sa sarili, char drama.
Hindi sa hindi ko kayang tumanggap ng panghuhusga pero kahit mukha akong multo, tao din naman ako dude. I have feelings too. English yarn. Mas marami pa rin naman ang bilang ng mga sumusuporta kaysa sa mga echoserang frog, kaya lab na lab ko kayong mga tarantadong readers❤
Ang gusto ko nga sana noon ay gumawa lamang ng isang story tapos ay hihinto na ako agad, hindi ko lang akalain na higit sa isa pa ang nagagawa kong mga kwento. Matagal ko na itong gustong gawin at ngayon nakapagisip-isip na akong mabuti, nais ko po munang huminto at magpahinga ng mahaba-haba. Sa ngayon ay ibig ko sanang umalis na at magpaalam sa inyo mga dude.
Pansamantala lang naman ito o pwede rin permanente na. Aalis ako hindi dahil sa may tampo o may sinisisi ako. Aalis ako para makapagisip-isip pa at pagandahin ang mga panibago kong ipapublish na stories soon. [Huwag umasa]
Naka unpublish ang on-going story na Decades of Love dahil ayokong paghantayin ko kayo sa wala. Mapa-publish lang ulit iyon kapag siguro naisipan ko ng makabalik sa wattpad, pati isip ko kung babalik pa ba 'yun.
'Ge 'yun lang, lab yow mga dude. I'm Formidable_Writer [BOSS], temporarily signing off as your tarantadong author.