Highschool palang ako mahilig na ako sa pagsusulat at pag-iimagine ng mga eksena sa utak ko. Kadalasan natutulala nalang ako at iniisip ng iba marami akong problema hahaha without knowing nagde-daydreaming lang ako. May isang tao na nagrecommend sa'kin manood ng GL series. Sobrang dami ng mga nirecommend niya pero isang gl lang ang tumatak ng matagal sa'kin at yun ang Blank the series ni Faye Peraya at Yoko Apasra. Yung series na yun nagbigay sa'kin ng paniniwalang love really won and age really doesn't matter.Sumunod lang sa naging paborito ko ay The Secret of Us ni Lingling Kwong naman at Orm Kornnaphat. Grabe din yun sa nagpabading sa'kin. Yung pagiging selosa dun ni doc Fahlada, sobrang nakakakilig. Next yung The Secret Affair ni Lookmhee Punyaphat at Sonya Saranphat. Ang dalawang yun, iba rin di nagpapahuli sa pagpapakilig. Isa pa yung Pluto na nag-inspired sa'kin sulatin yung "Be My Happy Ending" nakakaintese kaya gumawa talaga ako na may pagkahawig sa kuwento nila. At ito, itong girl rules nag-inspired naman sa'kin toh magdagdag ng iba't ibang loveteam sa kuwento. Yung broken of love, kyaahh yung pagbabalik ng number 1 idol kong si Faye. At ngayon.. yung the air ng freenbecky? Wahhh nakuha din ako and last but not the least.... Ito na kinababaliwan ko'tong loveteam na'to ngayon. Ang LenaMiu!!!! ang lakas sobra ng chemistry at isipin mo, in real-life? Same school, 7years may crush si Miu kay Lena!! Grabe at talagang patunay na totoo yung destiny. Sa pamamagitan lang ng isang tawag sa phone, muli silang pinagsama. Grabe at ito ang nag-inspired sa'kin ngayon na magsulat about sa karakter nila. Ang storyang "My Savior Bully" inspired ito sa totoong kwento nila na same university and later on nagkasama but the plot twists, maigi kung bashin niyo nalang hehehe. I'm sure mag-eenjoy kayo dun.
  • Philippine
  • BergabungMarch 6, 2024



Cerita oleh GieDarkworld
Be My Happy Ending (GxG) oleh GieDarkworld
Be My Happy Ending (GxG)
Nam Sorn, isang 28 years old na ex-police agent. Siya'y bigo sa pag-ibig at sa kanilang pamilya, siya ang bun...
My Savior Bully oleh GieDarkworld
My Savior Bully
Paano kung ang taong nambubully pala sa'yo ay siyang tao palang naging tagapagligtas mo noon sa isang trahedy...
1 Daftar Bacaan