Hello po. Baka po alam at nabasa niyo na ang nobelang matagal ko ng hinahanap. Nakalimutan ko na po ang pamagat, pero tungkol ito sa isang babae, lumaki siyang kasama ang kanyang ina at kapatid, ngunit alila o hindi nila pinahahalagahan ang kanyang presensya, kumbaga parang evil mother at sister ang atake, maganda ng kapatid niya mana sa kanilang ina, habang siya ay nagmana daw sa kanilang ama.
Tapos, may aksidenteng nangyari sa kanya, pinagtangkaan siyang gahasain ng taong may lihim siyang patingin dahil sa kalasingan nito. Itong lalaking ito ay gwapo at mayaman, ang kanilang pamilya, sakatunayan nagsisilbi siya sa mansion nila. Tapos, ng gabing may magtangkang gahasain siya ay nanlaban siya, may nakapa siyang bato at hinampas ang lalaking ito sa ulo. Akala niya napatay niya ang lalaki, sa sobrang takot ay tumakbo siya. Tapos, naggising nalang ata siya sa hospital, nabago ang kanyang mukha (gumanda siya) dahil nasagasaan ata siya ng parehong lalaking nagdala sa kanya sa ospital. Tapos ng gumaling na siya ay doon siya tumuloy sa bahay ng lalaki.
Hindi ko napo maalala ang pamagat. Pero una ko itong nabasa sa pinoypub.ph, ng i-search ko kasi ngayon sa google ang page na ito ay wala na.