Tataya ulit ako, ipupusta ko ulit ang puso ko.
Kapag natapos na yung kabanata ng buhay mo kung sana andun sya.
Kapag natapos na yung kabanata ng buhay mo na puno ng masasayang alaala.
Kung natapos na yung kabanata ng buhay mo na inilaan mo para sa kanya pero ang dami pang sobrang pahina na gusto mo pang isulat na kasama sya.
Tataya ka pa ba? Pupusta ka pa?
O isasarado mo na yung pahina. . .
Yung pahina na inilaan mo para sa kanya
Yung pahina ng buhay mo na gusto mong ibigay ng buong buo sa kanya.
Yung pahina kung saan, sya lang naman talaga.
Itataya mo ba? O suka na?
Tama na, nakakapagod na.
Baka ikaw na lang yung kumakapit.
Baka ikaw na lang yung may gusto.
Pero sya, matagal nang sinara yung libro nyong dalawa.
Wala ng kayo, ang meron na lang ay sya.
Sa mundong pinili nyang magpatuloy na wala ka na.
Kapit pa? Tama na? Hinto na? Taya pa?
Ano ba dapat?
Ano bang kasunod sa libro nating dalawa. Tuldok o kuwit
Paalam o isa pa, subok pa baka kaya pa.
Hindi ko alam. . .
Hindi ko na alam.
Pero kakayanin ko. Kasi pinatapang mo ako.
Tinuruan mo akong tumayo sa sarili kong mga paa.
Kakayanin ko, wag kang mag alala
Kaya sa paborito kong pahina
Salamat.
Malaya ka na, pinapalaya na kita.