Ginawa ko lang 'tong poem, just for fun. Na-bored lang ako sa school kaya yan nagsulat ako. Ni-title nga nito di ko pa mabigyan XD enjoy.
(NOTE: PLAGIARISM IS A CRIME!!!)
Marahil ngang hirap itong ating bansa
Kaya iba sati'y nangingibambansa
Malaking sahod kanilang kinikita
Ating kababayan, nauubos na nga ba?
Amerikanisasyon na umiiral
Paano na itong ating inang bayan
Dumating na ating kinatatakutan
Nalasong diwa ng ating kababayan
Sariling produkto na nga nitong bansa
Ikukumpara pa sa produkto ng iba
Paano pa uunlad ating bansa
Kung patuloy tayong wala sa'ting bansa
Isa pa itong korupsyon
Mga senador patuloy sa pag-aksyon
Pondo ng bansa
Kanilang inuusisa
Pinaghirapang lubusan
Perang kanilang kinamtan
Manggagawang Pilipino
Nasaan na ang talino?
Balik-bayang box na kanilang ipapadala
Bubuksa't pakikielaman ng iba
Pagdating sa pamilya
Mga tsokolate't damit nawawala na
Napoles ating nakilala
Di sa angking kabutihan kundi sa kasamaan
Isang pagkakamali kanyang ginawa
Malaking parusa sa kanya'y ipinagkatawan
Kanyang pangalang tumatak
Isa-puso't gawing aral
Huwag magpapahatak
Masamang gawain ating ipatanggal
Kaya sa darating na eleksyon
Tayo'y bumoto ng maigi
Wag magpapadala sa panlabas na aksyon
Kundi sundin itong ating utak
(Sama na nung hili no XD tinatamad na ako eh. TANDAAN: PLAGIARISM IS A CRIME!!!)