Minsan hindi natin alam pawala na pala ang isang relasyon na matagal nating pinag-ingatan, na minsan sa isang maling galaw mo lang ay mawawala ang lahat ng pinagsikapan mo.
May mga taong hindi alam ang gagawin nila sa relasyon nila. May mga relasyon na nagkakalabuan na at may mga relasyon din na hindi mo alam kung ano nang nangyayari.Ano ba ang mga paraan para maisalb
a ang isang relasyon bago mahuli ang lahat?
1.
Pagusapan nyong dalawa kung anong nagiging problema ng relasyon nyo - Para malaman nyong dalawa kung bakit nagkakaganyan kayong dalawa o kung bakit nagkakalabuan ang relasyon nyo. Para once na malaman nyo alam nyo kung paano nyo aayusin ang lahat.
2.
Minsan kailangan nyong makinig sa mga taong alam ang makakabuti sainyong dalawa - At napagdaanan na ang mga pinagdadaanan nyo ngayon. Pero hindi ko sinasabi na 100% accurate ang tulong nila. Sa huli desisyon nyo parin ang masusunod.
3.
Be a better person - Kung alam mong ikaw ang mali, alam mo dapat ang tamang bagay na gawin. Be a better person, para sa ikabubuti ng relasyon nyo. Para sa ikabubuti nyong dalawa.
4.
Sabihin mo kung anong tumatakbo sa isip mo - Nang atleast natutulungan ka ng partner mo, at alam nya na maaaring madamay yung relasyon nyong dalawa dahil sa mga problema na tumatakbo sa isip mo.
5. Lagi ka lang kumalma at magusap kayo - Kasi once na magalit ka, may mga desisyon kang nagagawa na hindi mo dapat mapagdesisyunan, at kapag kalmado ka na, magusap na kayo at i-pin point mo kung anong problema at solusyunan nyo.
Pero sa huli, iisipin mo parin kung worth it parin ba ang relasyon nyong dalawa. Dahil kung hindi mo maisip yun, babalik at babalik kayo sa mga pag-aaway nyo.
Ang pinakaimportanteng pundasyon ng isang relasyon ay ang salitang %u201Crespeto%u201D, kailangan nyong respetuhin ang bawa%u2019t isa. Kung ayaw na talaga, bumitaw ka. Pero kung kaya mo, ipaglaban mo ang nararamdaman mo at kung anong sa tingin mo ang tama.
Inlove man kayo o hindi .. sana naman naibahagi namin ang aming nalalaman :))