Sino si Sir MUP?

Isang propesyunal na mahilig magmasid sa kapaligiran lalo na sa mga katiwalian. Hilig ang lumikha ng iba't ibang sulatin. Mas gusto higit sa lahat ang pagsulat sa halip na makipagkwentuhan nng mga istoryang dagdag-bawas mula sa bibig ng mga usisero't usisera. Katulad kay Gat. Jose Rizal, mas nanaisin makipaglaban gamit ang panulat sa halip na makipagsagupaan gamit ang pwersa ng katawan. Sapagkat sabi nga, mas bumabaon ang salita kaysa sa kutsilyong matalas. Madaling maghilom ang mga sugat sa pisikal na panlabas. Ngunit kailan man ang mga salita'y di kukupas. Mananatili at panghabang-buhay sa isip sino pa man.

Ang kaniyang mga sulatin ay pawang katotohanan, makikita, mapupuna, lalo't higit pa nangyayari sa tunay na kaganapan.

Kaniyang layunin sa bawat usapin ay sana unawain bawat paksang tatalakayin. Maaaring basahin o punahin ngunit wag lang sanang lalaitin.

Mabuhay ang mga manunulat!
Sabi nga ni Ma. Lotus De Rama, "Sa Pagsikdo ng DAMdamin, kikibo ang maLAY".
  • JoinedMarch 5, 2014


Following


Stories by SirMUP