So, may nakausap akong self-pub na printing press.
Alam ko na nasabi ko dati na wala akong planong i-publish ang mga Tagalog/Filipino stories ko unless I get a deal because self-pub is too expensive at hindi naman ako sikat so baka konti lang din ang bibili, kung meron man. Pero may mga nagtatanong kasi sa akin kung ipa-pub ko ba daw ang Atlantis Academy. Well, that was some time ago, so not sure if may interesado pa ba, so here goes.
Alam niyo kung gaano kahaba 'yon so logistically speaking hindi siya pwedeng ilagay sa isang buong libro kasi matatalo ang A-Z encyclopedia ng lolo at lola niyo. So, I asked kung pwede ba hatiin 'yong book tapos ang labas siguro eh by volume siya. Kinda like how light novels are produced sa East Asian countries ba. Pero dahil self-pub siya, medyo mahal ang for instance, mga 120-page na book.
My estimate is baka umabot ng 200 to 250 pesos ang PER book. Dahil hindi pa tapos ang editing, so baka ang Book 1 lang ng Atlantis Academy ay aabot ng 10 books. In other words, tatakbo ng hanggang 2,500 ang buong Book 1.
Now that is the case...I'm wondering if people will still go for it. I know I will be asking too much, but I also can't ignore 'yung mga nagtatanong na baka naman pwedeng physical copy siya hehe... Alam niyo gaano ako ka-thankful na kahit ganito lang ako may interesado pa rin na bumili ng published copy.
I'm thinking baka by volume ang pag-release ko ng books, KUNG MAY INTERESADO. Para hindi mabigat. 5 copies minimum kasi ang required ng pub house, tapos so far, mas mura yata siya sa ibang options. Di ko pa natanong ang iba. I'll release Volume 1, Book 1, then Volume 2, Book 2, ganoon. I know masyadong mahaba siya, that is why I wasn't hoping anymore na ma-publish ito.
So, what do you think? Not sure kung may active readers pa ba ang Atlantis Academy pero tanong ko lang naman.