It's my 5th year.
Sana ok lang kayo. Keep safe by following the safe protocols. Wag nang matigas ang headness. Mas mabuti nang mahirapan huminga dahil sa facemask kesa sa mawalan ng hininga dahil sa virus.
Wag masyado i-stress ang sarili sa grades. Ang mahalaga ay makapasa. Hindi man kita nakikita, naniniwala akong higit pa sa sapat ang efforts mo. Balang-araw ay magkakaroon ka din ng graduation pictorial. Makakaraos ka din sa lahat ng problema.
Dedicate your success to the Lord. Hindi mo talaga Siya mararamdaman kung hindi ka gumagawa ng action para maka-connect sa kanya. Parang friends mo lang: stay connected and your relationship will get stronger. Trust His strength, not the strength of man. Mararamdaman mong nandyan Siya not through your sight, but through your feeling. Just look at the beauty of nature, He created that for you. He's always around to console you.
Wag masyadong magpahawa sa negativity ng mundo (social media). You are stronger than what your pessimism wants you to think. Have patience. Disconnect yourself from anything that degrades your worth.
Moreover, thank you to all those who follow me. Lalo na sa genuine and consistent readers ko. Napapasaya niyo ako dahil gusto ko talagang makilala ang mga akda ko. Sa mga sumubok, maraming salamat na rin. Nawa ay mapansin kayo ng favorite authors niyo.
Warihí ni lala!