Hayaan ninyong sabihin sa pamamagitan ng tula ang matutunghayan ninyo sa page ko.

Anton

Inihehele siya ng tamang timpla ng mga ugoy,
at nagsasalimbayang init at ihip ng hangin,
inihahatid sa rurok ng kakaniyahan
nang mga guniguni at alaala,
deliryo'y dala sa pagbulusok
na titighawin ng mga pawis,
sisingilin ang ilang bahagi ng karanasan,
habang pilit niya itong inaalala.
Muling iisantabi't hahabi ang diwa,
kung saan hindi siya maaring lumipad.

©All Rights Reserved

Bus

Sa bus ay may nagaganap na pagsasalimbayan ng paglaban sa antok at pagtakas sa realidad. May puwersa na pinipigilan ang espiritung nanunungaw sa talukap ng mga balintataw, makukulong mula sa pagtatampisaw sa mga guni-guni at mga ala-ala. Kaninong pagkakataon ang totoo kung ang bawat salung-puwit at sandalan ay may mga manlalakbay, na ang bawat ulo'y iginigiya ng ugoy ng...?
  • KSA
  • JoinedJune 26, 2016



Last Message
elmansays elmansays Feb 20, 2019 11:24AM
Happy reading!
View all Conversations

Stories by i elman blog
Bus | Malikmata | Alberto by elmansays
Bus | Malikmata | Alberto
Abangan ang pitong magbabarkada at sa mga hamon na kanilang haharapin pagkatapos ng mga alingawngaw ng digmaa...
ranking #68 in dystopian See all rankings
Bus | Malikmata | Anton by elmansays
Bus | Malikmata | Anton
Sigurado ka ba na nakikilala mo ang kasama mo? Paano kung pati ang mga nakaraan o mga alaala mo ay isa lamang...
ranking #96 in pandemic See all rankings
Bus | Malikmata | Ahman by elmansays
Bus | Malikmata | Ahman
Makapitong ulit niyang pinagsasanayan ang tanging proteksiyon nila laban sa mga kapre na hindi pa niya nakiki...
ranking #22 in kapre See all rankings
1 Reading List