Malimit na sinasabi ko sa aking sarili na, marahil kaya tayo nilikha ng Poong Maykapal ay mayroon tayong tagna na dapat tupdin.
Ang sumulat ng tula at kuwento ay isa sa isang bagay na hinding hindi ko maaaring tigilan. Nais ko kasing ipabatid sa lahat ng tao na kaya kong maging makata kahit kung minsan nauunahan ng katamaran at hiya.
Sa pamamagitan ng pagtipa ng mga letra mula sa kulay na rosas na tipahan ay naiisambulat ko ang aking damdamin, ang aking pakiramdam, ang aking nararamdaman. Doon ko napagtatanto na hindi ako manhid, mayroon din akong puso't isip na marunong magmahal, mapagod at masaktan.
Nawa'y sa kakarampot na likhang aking nagawa ay mayroon kayong nahimay na mga aral. Mga aral na maaari nating gamitin sa ating mga buhay.
Ang pakikinig, pagbabasa at pakikialam sa likha ng iba ay isang tunay na magandang simula. Isa lamang ang ibig sabihin nito, hindi ka bulag sa nagdidilim na kulay ng daigdig, hindi ka bingi sa nakatutuliling ingay ng paligid, hindi ka pipi sa mapaglihim na hugis ng kabalintunaan at hindi ka manhid sa tunay na mukha ng iyong mundo.
💋
nateesmale
- JoinedOctober 4, 2012
- website: www.wattpad.com/user/iamnathan
- facebook: Nate's Facebook profile
Sign up to join the largest storytelling community
or
Stories by Nate Esmale
- 10 Published Stories
Bb. L
4
0
1
Ang mga kababaihan ang nagbibigay sa bagong sibol ng lipunan. Sila ang maitututing na bayani ng sang kamunduh...
#695 in wattpadphilippines
See all rankings
PARA KAY SAMSON
101
2
1
Minsan, malalaman mo lamang ang halaga ng isang tao kapag ito'y wala na sa iyo.
Umibig ako sa pinakamasayang...
LONGING LOVE
13
0
1
Sometimes it is nice to reminsce the memory of a great love. Like greeting the morning sunshine while having...
+1 more
2 Reading Lists
- Reading List
- 3 Stories
- Reading List
- 21 Stories