itskristine07

Ang pinakamasarap na feeling ay yung feeling na hindi mo maexplain.
          	
          	Ang sarap kaya ng may minamahal. Sabi nga nila eh, magic daw kapag nainlove ka. Lalo na kung nainlove rin siya sayo. Magic yung kapag nakikita mo siya, napapangiti ka kaagad. Samantalang kapag nakikita mo yung ibang tao, dinadaanan mo lang. Magic yung kapag ngingiti siya sayo, tapos kikiligin ka. Hindi mo alam kung paano nangyayari yung mga bagay na yun. Hindi mo alam kung bakit. Kapag naiinlove ka kasi, diyan magsisimula ang panaginip mo. Oo, parang panaginip ang lahat. Kasi perfect eh. Pakiramdam mo kasi, nasayo na lahat ng gusto mo. Yung bawat araw na gigising ka, inlove na inlove ka palagi. Lahat ng bagay maaappreciate mo. Meske ang langgam na gumagapang sa sahig niyo, maaappreciate mo dahil madaming nagagawa ang pagibig. At ano nga bang pakiramdam? Hindi mo alam. Kahit kailan, walang makakapagpaliwanag nung pakiramdam na inlove sila. Sasabihin lang niyan palagi, “Masaya." Pero kapag tinanong mo, "Panong masaya?" sasabihin lang niyan, "Basta." Hindi mo malalaman kung bakit napakadaming taong nagpapakatanga sa pagibig hangga’t hindi nangyayari sayo yun. Hindi mo malalaman kung anong pakiramdam hangga’t hindi mo nararamdaman yun. At higit sa lahat, hindi mo malalaman kung gaano kasaya, kung hindi ka magmamahal. May mga bagay na hindi nahahawakan, hindi nabibili at mas lalong hindi naeexplain ngunit nararamdaman.