Long post ahead.
Cage in Law biggest achievement reached this year 2022: 1.02K reads!
Nitong nakaraan parang nawawalan na ako ng pag-asa sa bagal ng usad ko sa pagsusulat. Sa lahat ng achievements ko sa pagsusulat ay matagal kong makamit. Parang nagsasawa na rin ako sa slow progress ko.
Feeling ko hindi ako swerte sa ganito. Mahina ako sa promotion at maka-attract ng readers. Siguro ako na 'yung may mali, ako na 'yung may pagkukulang o sadyang malas lang ako sa ganitong bagay.
Ngunit pinagsikapan ko kahit alam kong alanganin na'ko. Honestly speaking? I have no readers nitong nakaraang updates. May views na makikita every chapter, yes, but feeling ko ako na lang 'yun. Ako na lang itong natutuwa sa pagsusulat ko.
I have so many questions pero 'eto ang tumatak sa'kin:
•Meron pa bang nagkakagusto na basahin ang story ko?
But again naisip ko, ayokong maging negative. Ayokong maingit sa mabilis na achievements na nakukuha nila. Siguro sadyang ganito lang ang binibigay sa'kin, low-key muna bago sumikat.
And here am I, finally reached the greatest achievement in my writing industry for this year. Hindi ko na naman taon ngayon, pero random ko na sa 2023.
Ngayon pa lang sinasabi ko na, KABAHAN KA NA 2023. I'm claiming all the blessings that I can received for this year.
Baka magulat na lang din ako may self pub book na ako. Malay natin, malay ko.
#lilsiszie Happy New Year!