Hi po my co-author!
Gusto ko lang po sabihin na. Huwag po kayong sumuko sa pag-susulat. Kahit ako po, minsan parang pinanghihinaan po talaga ako ng loob kase walang nagbabasa ng works ko at kung mero'n man, unti-unti silang nababawasan. Pero, itinatak ko po sa isip ko na 'Bakit ako susuko? Ng dahil lang sa walang nagbabasa ng works ko? Ano bang rason ko kung bakit ako nag-susulat? Oo nga pala! Dahil, gusto ko 'to, minahal ko na ang pagsusulat ng halos mag-iisang dekada, kaya bakit ako susuko. Kung wala namang dapat sukuan, dahil ang mundo ng pagsusulat ay katabi ko na! I'm an author with or without reader! KEEP WRITING!
From your Co-Author: WritingBreathing