Gumradweyt ako na isang pilosopo (Liberal Arts of Philosophy), isang dating seminarista kaya nakapag aral din ng teolohiya.  Ngunit mas pinili kong maging padre de pamilya kesa maging pari dahil "I value freedom more than my vocation".
'Gusto kong angkinin ang regalong malaon ng bigay sa akin ng Panginoon, ang kalayaan. Dangan ay hindi ko kayang tangnan dahil sa puwersa ng paligid na humihigit nito papalayo sa aking mga kamay.
Kaya gusto kong sisirin ang lalim ng dagat dahil dito sa lupa ay hindi ko matagpuan ang tunay na laya, ang bawat galaw kasi ay kontrolado ng sosyedad.
At gusto kong lumipad, hawiin ang himpapawid dahil sa ulap na aking tinitingala ay di ko mawari na naroon nga ang kalayaan, tila naging sunud-sunuran na lamang ito sa ihip ng hangin.
Kahit wala akong pakpak. Oo, alam ko! At wala rin akong palikpik kagaya ng isda. Mayroon naman akong dalawang paa na tatahak sa landas na aking pangarap. May kamay din ako na sasalo sa bawat patak ng biyaya at oportunidad.
Higit-lalo ay nandito ako upang magdesisyon para sa aking sarili.
Akin ang buhay ko?'
  • Ako ay nakatira ngayon sa Rodriguez, Rizal. Pero unang namulat sa tama't kamalian ng buhay sa bayan ng Cataingan, lalawigan ng Masbate.
  • JoinedAugust 18, 2017




Stories by Maximo B. Bautro Jr.
Mabuting Balitaan sa Salita ng Diyos by maxbbautrojr
Mabuting Balitaan sa Salita ng Diy...
PAMBUNGAD Ako ang nagsulat sa mga kathang nakasulat, ngunit hindi akin ang katha...
Ang Bokasyon by maxbbautrojr
Ang Bokasyon
Ang buhay daw ay isang paglalakbay. Isang pagtahak sa landas na pakay. Sa bawat himpilan ay isang destinasyon...
+3 more
PAGLAUM by maxbbautrojr
PAGLAUM
Literatura-Masbatenyo. Sinulat sa dialektong Masbatenyo.