3/29/2017
Nang sumakay ako kanina nang jeep sa Gil Puyat mga 6:30pm, si Ate( asawa ng driver) nagkwento tungkol dun sa kakilala nila na lalaki na sobrang tamad at puro pasarap lang sa buhay. Nabanggit ni Ate yung guard na nagtapos as cum laude in Master of Science. Hahaha napatawa ako kelan pa nagkaroon ng master of science kung kakagraduate lang sa college lol. Buti pa ung guard matiyagang nag-aral sa umaga at trabaho sa gabi,ika ni Ate. Kesa dun sa kakilala nila na imbes na maghanapbuhay eh nganga na ikumpara sa ibon, manok at langgam na gumagawa ng paraan para mabuhay. May pinaghuhugutan si Ate at si manong. Sabi ni Manong hindi Diyos ang magsasabing maghanapbuhay ka tao ang gumawa at hindi iaasasa Diyos. Ang Diyos ang gumagabay sa tao at tao ang gumagawa ng kanilang kapalaran. Narinig ko ang pagpupursigi nilang maghanap buhay sa pagbebenta ng rbc products. Hahaha goodluck manong at ate. ;) #storyoftheday