phiarf

minsan kasi feeling natin okay na tayo

phiarf

Bugtong, bugtong
          
          Atin pang languyin,
          Upang tuklasin.
          Pang-labas na karik’tan,
          Nagtatago ng kasakitan.
          
          Dilim.
          Puno ng mga lihim.
          Takot, pagkagulat.
          Binibini, mata’y imulat.
          
          Palalim nang palalim,
          Matapos ang takipsilim.
          Bigat ng damdamin
          Kailan ma’y di aaminin.
          
          Agos ng luha’y pumapatak, 
          Dibdib tila’y may umaapak.
          Nais humingi ng saklolo,
          Ngunit wika nila ika’y manloloko.
          
          Walang makaunawa,
          Idaan nalang sa tawa.
          Pinangalanang “baliw”,
          Hinayaang maaliw.
          
          Sa kalaliman,
          Sa kadiliman,
          Sa kasuluk-sulukan,
          Ng kaharian ng kaisipan. 
          
          - a poem for every pain everyone felt but no one understood, P.
          

phiarf

Nagtama ang tingin, 
          Gaya ng sabi ng bawat bitwin.
          Napana ang puso,
          Nais kang makilala nang husto.
          
          Aking akala, 
          Tayo’y nakaukit sa tala.
          Ang akala’y naging hinagpi,
          Sapagkat ako’y nagkamali.
          
          Ito‘y nagsilbing parusa.
          Ang marinig ang iyong harana,
          Para sa ibang dalaga.
          
          -P