Good afternoon everyone, especially sa lahat ng patuloy na nagbabasa ng story ko, MATCHED: Between Names and Hearts. Good news, kaka-drop ko lang ng bagong update natin, Kabanata 46. Yes, finally! After more than three weeks, natapos ko rin siya. Sa mga nag-aabang, I hope you enjoy reading it as much as I enjoyed writing it.
Gusto ko rin po kayong i-inform (readers, co-writers, and friends) na pansamantala muna akong titigil sa pagsusulat. This will be my last update for now kasi magiging abala na ako sa mga susunod na araw. Babalik naman ako after a few months, once na mas kalmado na ang lahat. Medyo overwhelming lang talaga lately, but I promise, hindi ko iiwan ang story, paninindigan ko iyon.
Nakakahiya man hilingin, pero sana huwag niyo po akong i-unfriend or i-unfollow. I swear babalik ako and we'll continue Lorenzo and Mira's journey right where we left off.
Again, maraming, maraming salamat po ulit sa pagbibigay ng oras at pagkakataon sa story ko. Sobra akong natutuwa at nagpapasalamat na umaabot na sa karamihan ang kwento at kahit papaano, napapangiti, napapakilig o nako-comfort kayo ng story ko. Medyo nakakalungkot lang na hindi muna ako makakapagsulat nang ilang buwan... pero I'll really come back.
Iyon lang po. Hanggang sa muli, co-writers and readers!
https://www.wattpad.com/story/392748220?utm_source=android&utm_medium=link&utm_content=story_info&wp_page=story_details_button&wp_uname=pxstelpallete