Bakit mo naman kasi ginawang aso, Noah?
-
"Noong bata ako, may aso kami." Napakunot-noo ako.
"Saan nanggaling 'yan?" Napatawa siya dahil sa sinabi ko.
"Makinig ka muna."
"Sige na nga."
"Kapag pagod siya, nagpapahinga siya." Tumango ako.
"Kapag gutom siya, kumakain siya." Napakunot lalo ang noo ko.
"Kapag masaya siya, tumatakbo siya." Napahinto ako sa paglalakad saka humarap sa kanya.
"Wait."
"Anong point ng kuwento mo?" Napangiti siya.
"Hayop siya pero marunong siyang makinig sa katawan niya."
Ilang segundo akong natulala bago ako natawa nang malakas.
"Grabe ka! Para mo na ring sinabi na aso ako." Napakamot siya sa batok niya ng napapangiti saka umiling-iling.
https://www.wattpad.com/story/412019516