Please view my Facebook Page.

https://www.facebook.com/thefrustratedpoet

INTRODUCTION

Ang lahat ng libro ay may Introduction pero hindi ko talaga alam kung paano ko gagawan ng paunang salita ang aking online book na ito. Upang bigyan kayo ng ideya sa nilalaman nito, ang mababasa nyo ay ilan sa mga piling kalokohan na aking naisulat. Mga kalokohang naglalayong magturo, magpasaya, magpaalala, mag-pakilig, magpaibig at higit sa lahat ay magpabago sa pananaw ng mga taong bulag at di makita ang ganda ng buhay.

Hindi ko naman talaga pinangarap makabuo ng libro, ang gusto ko lamang ay isulat ang mga pangyayari sa aking buhay o mga kaganapan sa buhay ng iba gamit ang mga pinagsama-samang mga salita na nilapatan ng kaunting tugma - at nagiging tula.

Ang sabi nga sa kanta ng MILO, "great things start from small beginnings" at napakaganda kung iyon ang magiging motto ng lahat. Mula sa maliliit ngunit madalas na pagsisikap ay makakagawa at makakaipon ng magandang mga bagay. Mula sa ilang pilas ng papel na scratch natin sa pagsusulat ay maaari tayong makagawa ng kwento ng ating buhay,.. ng ating sariling libro.

Bigla kong naalala noong bata pa ako.. pinapatula ako ng aking nanay, tiyo, tiya at lola sa ibabaw ng mesa na noo'y nagsilbing maliit na entablado. Sino ang mag-aakalang hanggang ngayo'y sa ibabaw ng mesa pa rin ako tumutula? Syempre joke yun at sa part na ito ay dapat tatawa ka na kahit napipilitan.

Hindi naman talaga ako professional writer kaya nga itinuturing kong Frustrated Poet ako. Mahilig lang talaga akong magsulat at ang totoo, sa pagsusulat nga ako nakilala ng aking mga guro noong elementarya pa lang ako...

Gagawa na po ako ng assignment.
Gagawa na po ako ng assignment.
Hindi na po ako mag iingay.
Hindi na po ako mag iingay.
Hindi na po ako lilikot sa klase.
Hindi na po ako lilikot sa klase.

Sana ay maibigan nyo at maibahagi sa iba ang aking mga tula. Salamat sa oras na inyong ilalaan. HAPPY READING!

Nagmamahal,
The Frustrated Poet
  • JoinedJuly 1, 2012



Last Message
TheFrustratedPoet TheFrustratedPoet Nov 16, 2017 05:04AM
See you on Facebook!Please visit my page:www.facebook.com/thefrustratedpoetHindi ko po sasayangin ang oras nyo. Pramis! Huwag nyo rin po kalimutang  i-Like, magcomment at ishare ang aking Page kun...
View all Conversations

Stories by TheFrustratedPoet
ANG AKING HULING TULA by TheFrustratedPoet
ANG AKING HULING TULA
Darating ang panahon na kakailanganin na nating bumitaw at magpaalam sa lapis at papel na naging matagal nati...
ranking #941 in goodbye See all rankings
HIWAGA NG PAG-IBIG by TheFrustratedPoet
HIWAGA NG PAG-IBIG
Ang araw ng mga Puso ay hindi lamang araw ng mga magkasintahan. Ito ay araw din ng lahat na nagmamahal, magin...
MALING AKALA by TheFrustratedPoet
MALING AKALA
Akala ko mahal nya ako, hindi pala. Mabait kasi sya at laging maaasahan. Akala ko pareho kami ng nararamdaman.
ranking #8 in malingakala See all rankings
1 Reading List