Ang tagal kong nawala sa Wattpad world, maraming nangyari dito na hindi ko inaasahan, last time I deleted some of my stories na hindi ko matapos-tapos kasi marami akong nakikitang mga negative na feedback about the new Guidelines at tungkol sa mga soft copies na nagkalat online. Marami ang lumipat ng ibang apps at isa na rin ako doon and that was last 2020, but before 2020 ay huminto ako year 2019 dahil sa personal na dahilan, I even deactivated my social media accounts especially my page. Nawala yung gana ko sa pagsusulat at kailangan kong asikasuhin ang personal na buhay ko labas dito sa mundo ng Wattpad. I admit that after removing some of my creation at ilipat sa ibang apps para makaiwas sa tinatawag na SC ay nawalan na rin ako ng lakas at gana na magsulat uli o magpatuloy. Na okay lang magsulat na lang ako offline saka na lang ipopost kapag okay na tulad dati. Palagi ay nangunguna yung takot ko at palagi akong nagpapaliwanag. Minsan kapag nasa work ako ay lahat ng mga naiisip kong story, tini-take note ko na lang. Pakiramdam ko hindi para sa akin ito, na achieve ko man yung ibang bagay tulad ng pag self publish ng libro ay pakiramdam ko ay may kulang pa rin, yung dati na nagsusulat lang ako at hindi iniisip yung iba. Kaso sa panahon ngayon, ibang-iba na si Watty kumpara sa dati. Pero hindi ko sila masisi doon kasi sila naman lagi ang nasusunod, though, sumusubok pa rin ako at gustong ituloy uli ang magsulat ng mga stories sa iba't ibang genre. Kaya kung may stories man ako na nagawa at tinanggal dito at hindi ko puwede i-post ay makikita n'yo iyon sa babanggitin kong mga apps sa mga announcement ko. Kaya maraming salamat sa inyo. God bless. ❤️