Story 2 : Kandila part 3

3.7K 158 18
                                    

A/N : Oo, Cyron, hindi pa rin ito tapos. Mga hanggang Part 5 ito. Haha. XD

-----

Lamay. Daan-daan ang taong nakaitim at nag-iiyakan Humihina-lumalakas ang panangis ng mga ito. Nasa likod si Marte ng mga nagluluksa. Kunot ang noo. 

Sino ang namatay? At bakit siya naroon?

Lumakad siya palapit sa naiilawang ataul para usisain kung sino ang iniiyakan. At bawat madaanan niyang umiiyak ay kinapapansinan niya ng tatak sa bubong ng palad ng mga ito. May hugis araw. Hugis buwan. Bilog na may tuldok sa gitna. Bituin ang iba. At ang iba pa, tila bulateng hugis. 

Sa tuwing mapapansin ng mga nagluluksa ang matinding titig niya, tumatalas ang mata ng mga ito. Nagagalit. At mabilis ang mga bibig sa pagbulong ng mga salitang hindi niya naiintindihan.

Itinuon niya ang paningin sa ataul sa unahan. Makintab iyon at abuhin. Mukhang mamahalin. May kakaibang uri ng disenyo at ukit sa katawan. Parang mga anito o hindi kilalang hugis.

Natigilan siya nang malapit na sa salaming dungawan ng ataul. May nakatayo kasing babaeng nakaitim at nakabelo sa tabi nito. Hindi maaninag ang kabuuan ng mukha sa ilalim ng belo pero tanda niya ang nakakatakot at malaking ngisi nito. Nakita na niya ang itim na itim na mata. At ang maputlang kulay ng balat. Hindi na siya makahakbang pa palapit.

Mahinang humalinghing ang babae at lumayo sa ataul.

“Silip, Marte.”

Nanindig ang balahibo niya nang marinig ang mga tinig. Mga tinig dahil tatlo ang timbre noon - isang mababa, isang malagong at isang matinis. Maaari niyang suwayin ang kahilingan ng tinig pero hindi niya magawa.

Humakbang na mag-isa ang mga paa niya. Dumukwang siya sa salamin ng ataul. Sumilip.

Siya ang nasa loob! Nanlaki ang mata niya nang makilala ang sariling mukha. Mulat na mulat ang mapulang mata niyon. May lupang inuuod na nakasupalpal sa bibig. Gumalaw ang mata nito at tumingin sa gawi niya.

“Tulong. Tulong...” sabi ng sarili niyang tinig.

Humakbang siya ng paatras. Nilingon ang daan-daang mga taong nakatitig sa kanya at bumubulong ng mga salitang hindi niya maintindihan. Nag-ilag siya ng tingin at mabilis na naglakad palayo.

“Marte? Saan ka pupunta? Marte?”

Tinig iyon ng babaeng nakaitim. Hindi siya lumingon.

“Marte!”

Patuloy siyang naglalakad.

“Marte!” mas malakas at nakapupunit ang tinig na iyon.

Diretso lang siya.

“Marte!”

Kwentong Hukay Book 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon