"Yehey! No class for today!" Nag titiling pumasok sa loob ng classroom namin si Tina. Tumatalon talon pa siya sa sobrang saya. Napatawa tuloy ang mga kaklase namin.
"Tina Lata, hinaan mo boses mo baka mapagkamalang may sunog dito sa kakasigaw mo. " Si Brent, ang mahilig mang asar kay Tina. Napatawa naman ang buong Classmates namin.
"Huwag kang maingay Brent bantot. Pagkat tiyak akong ikasasaya naman ninyong lahat lalong lalo kana ang ibabalita ko." Inirapan niya si Brent saka bumalik na naman ang mga ngiti niya.
" Bakit tin? Anong balita ba yan? Good o bad?" Tanong naman ni VP Rica sa kanya.
"Well, good to. Kasi may Lac session mamaya ang mga guro natin. And dahil dun... " Tumayo siya sa ibabaw ng lamesa at sumigaw."... wala tayong klase buong maghapon!!!" Naglulundagan na siya sa ibabaw ng mesa habang ang mga kaklase ko ay nagtatalon din sa mesa.
Yung iba ay nagsasayawan sa tuwa. Yung iba naman ay naghahabulan, kanya kanya ng mundo matapos malaman ang balita.
"So Eb, penshoppe tayo mamaya?" Hingal na hingal si Tina kakalundag niya. Umupo siya sa tabi ko. Pinag iisipan ko kung sasama ba ako o hindi pero...
"Sige, okay. Game ako jan." Wala narin naman akong gagawin kaya sasama nalang ako.
"Don't worry. Kasama natin sina Catherine,Roselle, Eden at Alexa." Tumango ako sa sinabi niya. Tiyak ako ng masaya na naman ito kaya maging ako ay excited na din.
Wala na naman kaming masyadong ginawa sa last period namin kasi friday, medyo busy ang mga teachers sa Lac Lac nila. Kaya nung break time ay nag tricycle na kami nina Tina papuntang Sm. Malapit lang ang mall dito sa paaralan namin.
Nang sa tricycle kami ay ang ingay ingay nila. Pinag uusapan naman nila ang mga lalaking crush nila. Ewan ko ba sa mga ito at kay hilig hilig sa crush crush. Pero go with the flow ako.
Maya maya ko silang binibiro at nirereto sa mga manyakis naming mga kaklase.
Well, 'parang' lang naman. Kasi, kahit na mahilig magsalita ng mga kaklase naming lalaki sa amin ng mga bastos na salita ay ni minsan, hindi nila kami hinawakan o minolestiya. Tagapagtanggol panga namin sila minsan kapag may ibang grade level na nambastos sa amin eh.
Nakapasok na kami ng mall ng mga kaklase ko. Syempre, ako nagbayad. Sabi ni Tina kasi libre ko na daw. Well, sige okay. Walang problema sa akin.
Nag ikot ikot kami sa buong mall. Pumapasok sa mga boutique para kunwari mamili mili ng gamit pero titingin tingin lang kasi ang mamahal.
Nandito ako ngayon at nakapila sa isang milk tea stand, oo, mag isa lang akong nakapila. Kasi sabi nila ako na daw bahala bumili at hahanap nalang silang lima. At opo. Tama ang narinig niyo. Lima po silang maghahanap ng mauupuan samantalang mag isa lang akong bibili ng milk tea. Ewan. Bahala na kong papano ko dadalhin ang mga milk tea nila.
"Miss, ano pong oordirin niyo?" Napatigil ako sa pagcecellphone nang madinig ko ang sabi ni ate.
"Ummm. 2 Okinawa, isang wintermelon, at tatlong chocolate milk tea po, miss. And small nalang po ang sa wintermelon at puro large na po ang natira." Sabi ko sa babae at tumango din ito. Iniabot ko na rin sa kanya ang bayad.
Makaraan ang ilang minuto ay nariyan na ang aking order. At ngayon ko lang napagtanto na dalawa lang ang kamay ko at anim ang milk teang dadalhin ko.
At habang namomoroblema ako kung papaano ko dadalhin ang Milk tea ko ay may kumalabit sa aking likuran. Hinarap ko kung sino iyon at nagulat akong nakangiti ang cute na cute na lalaking iyon sa akin.
YOU ARE READING
The Girl in Chaos
Fiksi RemajaEvezendry Morhane Garcia Grand Akiro Morales Everything is fine, she thought. She's okay with being hurt, being used and being played. She's fine with everything because she thought that way she'll be accepted by the people. She thought that by th...