33

157 12 1
                                    

Persephone's

Tinapik-tapik ko ang katabi kong si Dusk na natutulog sa balikat ko.

Natatawa nga ako dahil medjo bukas pa ang mga mata niya habang tulog.

"Woi, gising na." bulong ko dahil tulog din si Finn at Felix.

Kulang daw kasi 'ata sila sa tulog kaya natulog sila buong byahe.

"Mag si gising na kayo yuhoooo!!!" Nabigla ako sa biglaang sigaw ni Theo.

Pero walang effect. Tulog parin sila.

"Gising naaa!!!!" Si Kiven naman ngayon.

"Nandito na ho tayo mga sleeping beauties mag si gising na kayo," si Viana habang winawagayway pa ang hawak niyang pamaypay.

Saan niya nanaman nakuha iyon.

"Ingay," bulong ni Kian kaya naman natahimik si Viana. Luh, tiklop?

"Gumising na kasi kayo. Nandito na tayo oh!" si Huxley na nakababa na sa sasakyan.

At doon na nga sila nagising. Umayos ng upo si Dusk habang bumaba naman kaagad ang kakagising lang na si Finn.

Nakapikit pa ang isang mata ni Felix at kinakamot pa ang ulo. Ang cute naman hehehe.

Lumingon ako kay Dusk na nakababa na pala. Bumaba narin ako. Sinalubong kaagad ng malamig na hangin ang balat ko.

Medjo maraming tao sa tagaytay ngayon. Palibhasa sabado.

"Siguraduhin mo lang na libre ang lahat, Phara ah." Bulong ni Viana saakin.

Nginiwian ko lang siya.

Si Kiven at Finn nag selfie kaagad habang si Dusk at Felix ay nag rereklamo na gutom na raw sila.

"Dusk, picture-an mo muna ako rito." Hinila ko siya roon sa lugar na walang masiyadong tao at may magandang view.

Kinuha niya ang cellphone ko at nag simula nang kuhanan ako ng pictures.

Click lang siya nang click hindi kona alam kung maganda paba yung pictures na nakukuha niya. Aish.

"Okay na, okay na." Sabi ko at kinuha ang cellphone. Icclick niya pa sana pero kinuha kona. Nalibang?

Lumapit na ulit kami sa mga kasama namin.

"Saan niyan tayo?" Si Theo.

"Sabi niyo gutom na kayo. Edi sa kainan tayo," sagot ko kaya naman pumalakpak si Kiven at Felix.

--

Nasa picnic grove kami ngayon. Tinake out nalang namin yung mga orders namin dahil masiyadong maraming tao sa restaurant na iyon.

"Ang init naman," reklamo ni Kiven at naki payong kay Huxley.

Mga boy scouts nga naman. May mga payong talagang dala.

"Hindi ako boy scout pero oo, handa ako palagi." Biglang salita ng nasa tabi kong si Dusk. Pinapayungan ko siya dahil dala niya ang pagkain naming dalawa.

"Wala naman nag tanong," bulong ko.

Tumawa lang siya.

Nang makahanap na sila ng bet nilang pwesto ay nag simula na silang kumain.

"Pag katapos kumain punta tayong Sky ranch," suhesyon ni Finn.

"Kainit-init mag ssky ranch ka?" si Theo.

"Mayang gabi nalang tayo mag Sky ranch para enjoy, mainit din ngayon baka bigla kang umitim. Sa ibang lugar na muna tayo," si Dusk.

Tumango naman ako.

A/N
Merry Christmas!!

code | jayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon