34

167 11 0
                                    

Persephone's

Pag katapos kumain naisipan nilang pumunta raw sa Taal Volcano. Actually si Theo at Kian lang naman ang nakaisip.

Si Viana naman dinedemonyo ako. Kumuha raw ako ng room sa isang malapit na hotel.

"Sige na kasi Phara. May foots are so tired walking na."

"Ayon oh. Pa piggy back ka kay Kian." Turo ko kay Kian na nasa unahan na nag lalakad.

"No thanks," irap niya at humiwalay saakin.

Si Dusk naman ngayon ang kasabay ko.

"Pagod kana ba mag lakad?" Tanong ko.

Lumingon naman siya saakin. "Hindi pa naman, ikaw ba?"

"Medjo." Sagot ko.

"Bakit kasi mas pinili niyo pang mag lakad eh puwede naman tayo sumakay sa van," sabi niya habang nakatingin sa mga paa ko.

"Eh gusto nila mag lakad eh. Edi pag bigyan." Sagot ko.

Mainit na malamig ngayon dito. Weird 'di ba.

"Hindi kaba nilalamig?" Tanong niya.

Umiling ako. May soot kasi akong denim jacket kaya hindi ako masiyadong nilalamig.

"Phara kasi ayaw kumuha ng hotel," singit ni Viana.

"Eleven na nga. Gusto niyo ba mag pahinga muna?" Si Kian.

Tumango naman kaagad si Viana. Tumango rin naman si Finn, Felix, Theo at Kiven.

"Kuha ako room pero isa lang. Okay lang ba yun? Hindi ganoon karami perang dala ko eh," si Kian habang napikit pa dahil sa araw.

Tumango ako.

__

Ayon nga. Kumuha nga sila ng room sa isang malapit na hotel.

Kinancel ni Theo at Kiven ang gusto nilang puntahan na Taal Volcano.

Mag papahinga nalang daw sila hanggang mamayang 3PM. Tapos kapag nag 4PM na mag ccheck out na kami para mag sky ranch. Oh 'di ba, planado na nila.

Nakahiga si Dusk at Finn sa kama, nag lalaro 'ata sila. Si Felix, Kian at Viana naman ay nanonood ng TV. Si Theo nasa banyo 'ata. Nag jejebs.

Si Huxley naman nasa terrace. Pinuntahan ko naman siya.

"Miss mo?" Biglaang tanong ko kaya nabigla rin siya.

"Cook? Mismo?" He asked and laughed.

"Abnormal. Si Vien yung tinutukoy ko." Sabi ko at tumawa narin.

"Hindi? Oo? Hindi ko alam." Sagot niya.

Natahimik naman kami sa sagot niya.

"Are you waiting for her?" tanong ko bigla.

"Oo. Pero paano kung nag hihintay ako pero wala na pala akong hinihintay?" tanong niya at lumingon saakin.

"Luh, masiyado namang masama si Vien kung pag hihintayin ka sa wala. Atsaka for sure hindi niya alam na hinihintay mo siya."

"Dusk oh, tignan mo si Huxley gumagawa ng moves kay Phara!" Biglang sigaw ni Kiven kaya naman sabay kaming lumingon ni Huxley sakaniya.

"May Vien na ako 'no." Bulong ni Huxley kaya naman humagikgik ako.

"Galaw-galawa rin kasi Dusk. Nauunahan kana eh. Manok paman din kita," si Theo.

Ngumiwi lang si Dusk. Kinuha ko ang cellphone ko at naisipang ichat siya.

Dusk
Active now

12:32 PM

Persephone
Woi hehe

Dusk
Bakit?

Dusk
Nandito lang naman ako sa kama ah

Persephone
Ang lonely ni Huxley dito. Samahan mo nga

Dusk
May gusto kaba kay Huxley?

Persephone
Hoy wala ah

Persephone
Friends kami ni Huxley

Persephone
Tsaka may Vien na yan

Dusk
ang concern mo masiyado sakaniya

Persephone
Mas concern kaya ako palagi sayo

Dusk
Walang nag tanong

Persephone
Skl bakit ba

"Ay Phara oh, si Dusk nangiti habang may kachat sa cellphone. Ano ng nangyayari sa #DuRa ko? Bakit parang nalubog?" bulaslas ni Kiven. Tumawa ako dahil walang pumansin sakaniya.

Persephone
Nangiti pala ah.

Persephone
Kinikilig ka?

Dusk
Hindi. May nakita akong meme.
Seen

code | jayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon