38

153 12 0
                                    

Persephone's

Nandito na raw siya sabi ng kasambahay sa baba. Nag pabango muna ako bago bumaba.

Nakaupo siya sa sofa ng madatnan ko.

"Doon tayo sa terrace." Yaya ko at hinila na siya. Baka kasi umayaw pa eh.

"Puwede naman doon sa sala,"

"Mainit doon. Dito may hangin." Sabi ko at binitawan na siya.

"Bakit moba kasi ako pinapunta?" Tanong niya.

"Para sabihin na gusto rin kita," bulong ko.

Sandali siyang natahimik at hindi umimik.

"Wala ka bang sasabihin?" Tanong ko.

Nakatingin lang siya saakin.

"Gusto rin kita," sagot niya kaya naman natawa ako.

"Alam ko." sagot ko naman at ngumiti pa.

Tumango lang siya.

Yun na yun? Wala na? Ayaw niya ba manligaw? Edi don't.

"Hindi ka ba manliligaw?" Tanong ko. Gulat naman siyang tumingin saakin.

"Hindi ako marunong," sabi niya at tumawa ng malakas.

"Parang siraulo 'to. Hindi ka talaga marunong?" Tanong ko at umiling naman siya.

"Sige, ako nalang manligaw sa 'yo." Sabi ko kaya naman napasimangot siya.

"Bakit ba kasi liligawan pa kita eh puwede naman ng tayo na." Bulong niya kaya naman tumawa ako.

"Liligawan mo lang naman ako ah? Nag mamadali?" Tanong ko.

"Oo na. Phara puwede bang manligaw?"

"Teka, teka. Bakit parang napilitan ka?" Pag papahaba ko sa usapan.

"Hindi kaya. Ano na sagot mo?"

"Sige." Sabi ko at ngumiti.

Ngumiti rin siya pabalik.

code | jayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon