A/N
Medj mahaba 'to pero parang boring huhu. Okay lang kung skip niyo.Persephone's
Nakapag check out na kami at papunta na sa sky ranch. Alas kwatro narin kasi ng hapon. Mabuti na lang at hindi na mainit.
Nag van kami dahil nga medjo malayo ang sky ranch.
"Hindi pa ba kayo gutom?" Biglang tanong ni Kiven.
"Kakain mo lang ng lasagna ah?" si Dusk.
"Oo nga. Inubos mona nga 'ata pera ni Phara eh," si Huxley.
"Ayos lang naman. Ano ba gusto mo?" Tanong ko kaya naman ngumiti siya.
"Ikaw," aniya tiyaka humagikgik.
"Ay ang harot." si Finn at inirapan si Kiven.
"kay Dusk na 'yan woi!" si Theo at kinotongan si Kiven na tumatawa.
"Anong kay Dusk. Walang kay Dusk 'no!" si Kian.
"May crush naman na iba 'yan si Dusk, 'di ba Phara?" Tumaas ang kilay ko. May crush na iba?
"Tumahimik na lang nga kayo," iritang sabi ni Dusk.
Kinalabit ko naman siya. "May crush ka? Sino?"
Umiling lang siya.
_
Dusk's
Kanina pa ako kinukulit ni Phara tungkol daw kuno sa crush ko. Hindi ba niya kilala sarili niya?
Nasa sky ranch narin kami. Bumibili sila Hux ng ticket. Kaming dalawa lang ang naiwan dito. Naka upo siya dahil sumakit na raw yung likod at paa. Sino bang hindi sasakit ang paa e kanina pa sila lakad nang lakad para lang makahanap ng magandang rides.
"Bakit ba kasi ayaw mopa sabihin!" sabi niya at umirap.
"Bakit ko naman sasabihin sa 'yo," sagot ko.
Hindi kona siya narinig sumagot kaya naman lumingon ako sakaniya.
Tahimik lang siyang nakatingin sa kung saan. Wow, kanina lang ang ingay-ingat tapos kinukulit pa ako tapos ngayon biglang tatahimik?
Uupo narin sana ako kaso biglang dumating sila Theo habang winawagayway ang mga tickets.
"Log coaster muna unahin natin," si Theo.
Lumingon silang lahat kay Phara. "Log coaster? Ayoko riyan uy." Sabi niya kaya naman tumawa ako.
"Takot ka lang eh," biro ko. Inikot niya lang ang mga mata niya at lumingon kay Viana na kanina pa rin tahimik.
"Kayo nalang. Kukuhanan korin kayo video," sabi niya at nilabas ang cellphone.
"Hindi. Dapat kasama ka," si Felix.
"Ano bang rides kinuha niyo?" Tanong ko.
"Log coaster, Sky eye, Super viking atsaka Drop tower," sagot ni Finn at pumalakpak pa.
"Bakit puro extreme rides kinuha niyo? Ayoko nga. Doon na lang ako sa Carousel," tumawa naman sila dahil sa sagot niya.
"Boring naman kasi Phara kung hindi extreme rides kukuhanin. Face your fear nalang. Atsaka nandiyan naman si Dusk oh. Yakapin mo nalang pag natakot ka," si Kiven. Siraulo talaga.

BINABASA MO ANG
code | jay
Nouvelles❝Sumosobra na 'ata pag ka gusto ko kay Dusk. Umaabot na sa puntong umaasa akong magiging kami.❞ [COMPLETED] STARTED: November 4, 2020 DATE PUBLISHED: November 11, 2020 ENDED: December 30, 2020