"Doc Philip may naghahanap po sa inyo," Bungad ni Nurse Ann sa akin pagkapasok at pagkapasok ko ng Hospital."Okay." Tipid na sagot ko at habang naglalakad ako may narinig akong sumitsit pero hindi ko lang pinansin 'yon.
"Pssst.. Doc Philip pa kiss!" Naistatwa ako sa kinatatayuan ng marinig ko 'yon at kahit hindi ko man lingunin kung sino ang sumigaw na 'yon ay alam kong si bwiset na Doc Cynthia na 'yon.
"Shit." Saad ko at bumalik sa isipan ko ang nangyaring halik kanina sa pagitan namin ni Dojo.
"Doc! Sige na isang kiss lang, hindi naman ata virgin 'yang lips mo diba?" Nang iinis at tumatawa-tawa pa na saad ni Doc Cynthia.
Inhale.. Exhale.. Nakangiti kong hinarap ito at mabilis na hinablot ang mahaba niyang buhok dahilan para mapasigaw siya. Nanggigigil ako!
"Juskoo! Alam mo Doc Philip? Mas masarap at maganda kapag ako ang humahablot sa buhok mo habang nasa you know," Inayos lang nito ang buhok niya sabay kindat at smirk pa sa akin. Nakakakilabot!
Nameywang ako sa harapan niya at mahinang sinampal ang mukha niya. "Alam mo Doc Cynthia, may girlfriend na ako kaya tigil-tigilan mo ako ah? Para kang aso na hindi magkandaugaga kapag hindi nakitikim ng bagong putahe," Saad ko sabay ayos ng mabango at malambot kong buhok.
Hayss.. Nakakastress buti nalang hindi umuobra ang salitang stess sa mukha ko. How to be you po Philip? Apakagwapo mo talaga.
Tumawa-tawa siya at may patakiptakip pa siyang nalalaman. "Aso talaga ako, sa sobrang pagka adik ko nga sa'yo gusto na kitang kainin, arghh!" Malanding saad niya.
I open my bag and decided to get my alcohol to santize my body and the surroundings, mahirap na baka mahawaan ako ng virus.
"Gaga! You look tilapia!"
Bigla naman itong sumagot. "Iyong fresh ba na tilapia?"
"Ay asa ka! Syempre hindi 'nu! Mahiya ka nga sa sarili mo, look at yourself mukha kang aso na may pinaghalong isda, nakakadiri ka talagang bwiset ka!" Inis na sigaw ko at bago ako umalis ay hinila ko ulit ang buhok niya kung saan napatumba siya, well tama lang 'yan sa kanya, malandi kasi.
Seriously I know that masyadong sobra na ang ginawa ko sa kanya na to the point that i'm insulting her in front of our coworkers and nasaktan ko na rin ito physical, and I'm sorry for that, pero kasi sobra na talaga siya and I really hate pa naman kapag ginaganyan niya ako. Dahil sa hindi ako mapakali sa upuan ko I decided to go out to buy coffee at nang bumalik ako sa Hospital, I went to Doc Cynthia office to gave her the coffee that I bought in a near store. Kumatok ako sa pintuan ng office niya.
"Pasok lang!" Sigaw niya mula sa loob and when I entered her office ganun nalang ang gulat ko na puros mukha ko ang nakikita ko sa loob ng office niya, starting to chair, drawers, curtains, her slippers and etc. she also have a big tarpaulin na nakaukit pa ang mukha ko at may nakasulat pa na 'Te Amo Philip'
"Omg! I didn't expect that you will come to my office," Nahihiyang saad niya at ng mapatingin siya sa hawak hawak kong kape ay mabilis niya itong kinuha sabay inom.
"Is this for me? Peace offering ba?" Nakangiting saad nito at tumango nalang ako bilang sagot.
Actually mabait naman talaga si Doc Cynthia pero may landi lang talaga siya sa katawan niya na hindi ko kailan man nagustuhan, bago pa niya sabihing umupo ako ay nakaupo na ako at ang nakakaloka! Parang inupuan ko lang din ang sarili ko, my handsome face!
Tumikhim ito kaya mabilis kong binaling ang tingin ko sa kanya.
"I'm sorry," she said while sipping on her coffee.
Ngumiti ako sa kanya. "No, I should be the one who say sorry dahil sobra na 'yong ginagawa ko sa'yo and can you please stop what you're doing? Hindi kasi ako natutuwa Doc Cynthia." I said and she just smiled at me and reach my hand at nagulat ako ng magmano siya.
"Stop it!" Inis na saad ko at mabilis pa sa kidlat na hinila ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.
Tumawa naman ito. "Just kidding, yeah, alam kong sobra na 'yong ginagawa ko so I think kailangan ko ng tigilan ang kakapantasya sa'yo lalo na ngayong meron ka ng gilfriend. I'm just obsessed on your handsome face kasi and siguro kay Doc Andrew nalang ako lalandi and I hope sana hindi niya rin ako itakwil," Saad niya sabay tawa na ikinatawa ko rin.
Nagiging matino rin naman pala siya eh, nagsorry ako rito sa lahat ng mga nagawa ko and nagsorry rin ito sa akin, she deciced also na tanggalin ang lahat na kung anong bagay na may nakaukit na mukha ko at kay Andrew nalang daw ang ilalagay niya. Minsan kailangan mo talagang maranasan na manlait o manakit sa ibang tao para matauhan ka at makapag sorry.
Nag-uusap lang kami ng biglang may kumatok sabay bukas ng pintuan at bumungad sa amin si Nurse Hattie na hinihingal pa.
"Doc Philip, Doc Cynthia kailangan namin kayo sa emergency room,"
Pagkasabi niya 'yon ay agad kaming tumayong dalawa at habang naglalakad kami ay inayos ko muna ang suot ko pati na rin ang malambot at mabango kong buhok. Nagtanong lang ako kung ano ang nangyayari at ng nasa Emergency room na kami ay mabilis akong nagpakawala ng mga malalalim na buntong hininga.
"Are you ready?" Rinig kong saad ni Doc Cynthia.
I looked at her and said, "This is my profession, I'm a Doctor at palagi akong nakahanda sa mga darating na pasyente," Saad ko at hindi na nagsayang pa ng ilang segundo at mabilis ng inasikaso ang mga nagdadatingang pasyente.
***
Buong araw na hindi nagpakita si Dojo sa akin at mas okay nga 'yon, nandito na ako sa loob ng sasakyan ko ngayon at mabuti nalang natapos ko na ang trabaho ko sa loob, halos kalahati sa mga pasyente ko ay kung hindi nakakaramdam ng pagkahilo, nakakaramdam naman ng pagsusuka, lagnat, ubo at sipon meron pa ron na nasagasaan, nasaksak at mga nabaril. Hindi muna ako nag drive at sumandal muna sa sasakyan, nakapikit lang ako ng mata ng may kumatok sa bintana ng kotse ko. Binuksan ko ito at nagulat ako ng bumungad sa akin si Dojo. What is she doing here?
Oh right! Siya ba 'yong naghahanap sa akin kanina?
Isasarado ko na sana ito ng mabilis niyang hinarang ito gamit ang kamay niya.
"Wait lang naman Doc Philip, pakibukas nga, nangangalay na braso ko eh," Saad niya at wala akong nagawa kundi sundin ang gusto niya. "Saka kanina pa ako naghihintay at naghahanap sa'yo ah." Sabi ko na nga ba.
Nang makaupo siya tumingin siya sa akin sabay sabing,
"Ako na d'yan, ipagmamaneho kita." Nakangiting saad niya.
Anong nangyari rito? Bakit iba ata ang mga kinikilos niya ngayon? Dahil ayoko ng makipagtalo sinunod ko nalang ang gusto niya at pumikit muna ako dahil naka shorts lang siya at ng tinapik niya ako roon ko lang binuksan ang maganda kong mata.
"Sorry nga pala sa nangyari kahapon and bilang peace offering ipagda-drive na kita," Saad niya sabay andar ng manubela.
Nang may mapagtanto ako ay agad ko itong tinanong.
"Teka! Marunong ka bang mag drive?"
"Halaaa!! Hindiii! Nakalimutan ko hindi nga pala ako marunong! OMG mababangga na tayoo!!"
Nanlaki ang mata ko sa gulat at isama mo na rin ang kaba..
"Punyeta ka talagang Dojo ka! PINAPAPAHAMAK MO AKO!!!!!"
BINABASA MO ANG
Between Two Man's Heart
RomanceUsing "gwapo, handsome, pogi" is just a word, walang kwenta ang mga 'yan kung hindi ako pinanganak, I'm a Doctor and I believe that I'm the only one na magpapalaglag ng 'yong underwear at kahit boxer ay malalaglag din because of my charismatic face...