"Why so gwapo Philip?" Tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa malaking salamin na nasa kwarto ko.Normal lang ang araw ngayon, walang espesyal na mangyayari, sinuot ko ang coat na pinili ko kanina at gwapong-gwapong tumingin sa salamin, dahil sa gwapo ako, ayoko namang itago lang ito kaya kinuha ko ang cellphone ko at agad na nag picture sabay post sa instagram with caption 'So hot baby Philip' and as usual marami kaagad ang pumuso sa post ko at may mga nagco-comment pa na ang sabi gusto raw nila ako maging baby, mga tangina sila! Edi gumawa sila ng baby, ayoko maging baby nila nuh! So ewww! Disgusting!
"Inaarte mo d'yan? Alis na tayo tanga,"
Oh gosh! Kakambal ko ba talaga 'to? Bakit hindi halata? At bakit ang gwapo ko?
"Gago! Ikaw mag drive ah! Tinatamad ako," Saad ko sabay kuha ng susi ng sasakyan ko na nasa loob ng bulsa ko at hinagis ko ito sa kanya na nasalo niya rin naman.
"Sumabay nga ako sa'yo kasi tinatamad din akong mag drive eh!" Naiinis na saad nito at padabog na iniwan ako.
Pisteng yawa talaga ng taong 'yon! Bahala siya d'yan, katamad kaya mag drive, sayang 'yong pagiging gwapo ko kung mapapawisan lang din naman ako. Kung kumuha nalang kayo ako ng driver? Aishh wag na nga! Si Andrew nalang, mukha naman siyang driver eh!
"Hoy! Gagoo! Sasakyan ko 'yan! Putangina mo Andrew!" Pagsisigaw ko rito sa labas ng bahay namin.
Putangina! Iniwan ba naman ako? Gago mo talaga Andrew! Nakakabwiset kang tao! Babalik na sana ako sa loob para kunin ang isa pang susi ng kotse ko ng bumalik ang minamanehong sasakyan ni Andrew. Mabilis akong lumapit dito at ang putangina ayaw pang buksan ang pintuan, kumatok ulit ako sa bintana ng sasakyan ko, syempre dapat mahina lang sasakyan ko 'to eh, buti sana kung sa kanya 'yon, kasi wawasakin ko talaga!
"Alam mo nakakatangina kang nilalang," Saad ko rito ng binuksan niya na ang pintuan.
Umupo ako at agad na sinuot ang seatbelt, nang masuot ko na pinukol ko siya ng masamang tingin, 'yong tipong maiihi ka dahil sa takot, kaso ang tangina tumawa pa.
"Don't look at me like that, para kang asong gustong pumatay," Natatawa niyang saad at nagsimula ng umandar ang sinasakyan namin.
"Kung ikukumpara mo lang din naman ako sa hayop sana sa'yo nalang, total mukha ka rin namang hayop," Saad ko at ng makita kong humigpit ang pagkakahawak niya sa manubela ay agad akong tumawa ng pagkalakas-lakas.
Andrew is pikunin, mabilis siyang mapikon kahit sa mga simpleng bagay lang, and me? I'm just a gwapo, hot, and sexy Doctor. Kaya kapag nakita mo ako, wala lang! Ede nakita mo ako.
"Gago!"
Tinaasan ko ito ng kilay. "Gwapo, hindi gago!"
Binalingan ako nito ng mabilis na tingin. "Bwiset!"
Kunti nalang, alam kong sasabog na 'to, kaya paiinitin ko pa lalo ang ulo niya.
"It's boy sit, not bwiset, bobo mo mag pronounce Andrew," Pagtatama ko rito.
Paano naka graduate 'to? Apaka bobong tao.
"Tumahimik ka, i-untog kita dyan sa bintana eh," May halong gigil sa tono ng pananalita niya.
"Basta bilhan mo ako ng bagong sasakyan ah?" Natatawang saad ko at inilapit ko ang ulo ko sa kanya at babatukan na niya sana ako ng mabilis akong umiwas, phew! Easy!
"Arghhhh! Tumahimik ka nga Philip, daig mo pa ang babae sa sobrang daldal mo," Sigaw nito sa akin pero WALA AKONG PAKE!
Tiningnan ko ito mula ulo hanggang paa na mas lalong ikinaasar niya. "Ikaw rin daig mo pa ang babaeng may regla sa init ng ulo mo,"
That's true, every time na magkasama kaming dalawa, walang minuto ang hindi lumilipas ng hindi kami nagbabangayan, minsan nga sinasabi ng Ate namin na para raw kaming mga bata kung umasta, and that's fine with me, hindi na ako magtataka kung bakit ganyan ang iniisip nila, because I have a what you called baby face.
"Mainit ang ulo ko because I'm hot," Saad niya sabay smirk.
Ay? Meganun? Mahangin din pala ang isang 'to?
Tumawa ako ng mapakla. "Coming from you pa talaga na mukhang kulangot ah,"
Tumahimik na ito kaya alam kong galit na siya sa mga oras na 'to, at gaya ng sabi ko ay WALA AKONG PAKE! Tahimik kaming nakarating sa Hospital, binati pa siya ng mga kasamahan naming Doctor at Nurses pero ang gago, dire-diretso lang na pumasok sa office niya.
"Sorry guys, medyo mainit kasi ulo niya, alam mo na, may dalaw," Saad ko at nagtawanan naman silang lima, oh I love this! Gustong gusto ko talaga na tumatawa sila sa mga pambihirang jokes ko. #Philiplangmagalingsajoke
"Nakakatawa ka talaga Doc Philip, hoping na sana mapasaya mo rin ako someday," May kaibang kahulugan na saad ni Doc Cynthia.
Eww! Did she really said na sana mapasaya ko rin siya? Ewww! Disgusting! Hindi ako pumapatol sa babaeng biyuda na 'nu! At hindi ako pumapatol sa kahit sinong babae, buti sana kong may girl version din ako, kasi 'yon, tiyak na papatulan ko talaga!
"Maghunos dili ka Cynthia, ayokong maging ama ng tatlo mong anak 'nu, dyan ka na nga!" Saad ko at mabilis silang tinalikuran na lima.
"Doc Philip! Basta kapag nagbago isip mo, balik ka ah? Welcome na welcome ka sa buhay ko!" Rinig ko pang sigaw niya kaya humarap ako sa kanila.
"Wag ka na umasa Cynthia, ayokong makatikim ng bulok na papaya!" Sigaw ko at nang makarating ako sa office ko ay mabilis akong uminom ng tubig.
"Yawang Cynthia na 'yon! Balak pa ata akong lasunin sa bulok niyang papaya," Saad ko sa sarili ko at uminom ulit ng tubig.
Ginugol ko ang sarili ko sa trabaho, maraming pasyente ang nagsidagsaan ngayon dahil sa aksidenteng nangyari kanina, kabilaan ang mga pasyenteng chine-check ko dahil tulad ko ay busy rin ang ibang doctor sa pagtingin sa iba pang mga pasyente.
"Kalma lang po tayo nay, magiging okay ka rin," Saad ko sa matanda na napabilang sa mga naaksidente kanina.
"Iho, ayoko rito, uuwi nalang ako, w-wala akong perang maiipambayad," Saad niya at babangon na sana ng mabilis ko siyang pinigilan.
Nginitian ko ito. "Wag niyo po isipin 'yong bayarin, ako na po bahala roon, ang mahalaga, magpagaling ka muna sa ngayon," Saad ko at nagpaalam muna kay nanay bago lumipat sa ibang pasyente.
As a Doctor, masakit na makarinig na ayaw nilang magpagamot dahil lang sa kadahilanang wala silang pera, kaya as much as possible ginagawa ko ang lahat para makatulong, we own this Hospital pero hindi ibig sabihin nun ay pwede ko ng gawin ang kahit anong gusto kong mangyari, kapag may mga pasyente akong nakakasalamuha na walang-wala talagang maipambabayad ay sinasagot ko 'yon at pinapabawas ko na lang sa sahod ko, at syempre, nakikihati rin ako sa sahod ni Andrew 'nu!
"Doc, pahinga po muna kayo, kami na muna bahala rito," Saad ni Nurse Hailey kaya tinanguan ko nalang ito bilang sagot.
Pagod na pagod ang buong katawan ko, ramdam ko ang pag-agos ng pawis sa mukha at leeg ko, sa oras na 'to kahit pinapawisan ako, alam ko pa ring gwapo at hot ako. Napatigil ako sa paglalakad papunta sa sasakyan ko ng makarinig na may tumatawag sa pangalan ni Andrew.
"Andrew! Pansinin mo na kasi ako! Nakakaasar ka naman eh!"
Hindi ko nalang pinagtuunan ng pansin 'yon, maybe isa lang din siya sa babaeng hinarot pero hindi sineryoso ni Andrew, but that voice seems familiar to me, at hindi ko alam why I have this feeling na nakausap ko na siya ng matagal, weird.
BINABASA MO ANG
Between Two Man's Heart
RomanceUsing "gwapo, handsome, pogi" is just a word, walang kwenta ang mga 'yan kung hindi ako pinanganak, I'm a Doctor and I believe that I'm the only one na magpapalaglag ng 'yong underwear at kahit boxer ay malalaglag din because of my charismatic face...