Chapter 2

9 0 0
                                    

Bago umalis, nag pa reserve na ako online para hindi na kami mag aantay o maubusan ng lamesa. Pagdating ko don, sinabi ko yung pangalan ko sa isang waiter at dinala na ako sa pinareserve kong pwesto. Pinili ko yung pinaka dulong mesa para may privacy. 

After 10 minutes, nakita ko si Kyle. "Sorry, am I late?" tanong niya habang umuupo sa harap ko.

"No. I'm just early" may ilang minuto ng katahimikan bago kami mag pasiya na umorder na. "So, Mr. Navarro, anong gusto mong pag usapan natin?"

"Sancha... please wag kang ganyan" hindi ko mapigilang matawa. "I'm always like this Mr. Navarro. And fyi, it's Marizelda. The old Sancha is gone." 

"I'm sorry...Please forgive me. Sa lahat ng ginawa ko sayo noon"

"Hmm alin? Yung pag taboy mo saken? Yung pag papalayas mo saken? or yung pag tolerate mo sa magaling mong ama?" I mockingly said. "Sancha naman... Please patawarin mo na ako"

"Patawarin? Tingin mo ganon kadali yun?" Ang kapal naman talaga ng mukha niya. Pagkatapos ng lahat ng ginawa nila sakin, inaasahan niyang papatawarin ko siya agad? Hahaha after all these years, he still got his sense of humor. "Alam mo Kyle, dapat pa nga akong mag pasalamat sayo eh... Kung hindi dahil sayo, hindi ko mararating kung ano man ang narating ko ngayon" 

Hindi na sya sumagot. Dumating na ang inorder naming pagkain. Dinner was awkwardly silent. I should have known better at dapat ay hindi na ako nag propose na mag dinner. Pero kung hindi ko iyon sinabi ay hindi niya ako tatantanan. "Sancha, kamusta ka naman ba?" he finally broke the silence. "I'm good. Great even. I'm finally living my dreams." 

"Oh, well, that's good for you" I can sense the tone of bitterness in his voice. Karma is real naman talaga. "How about you? Kamusta ka na?" I asked him with a sarcastic tone. "Ok lang naman. Uhmm... I'm actually going to propose some ideas sa Martinez Corporation sa susunod sa araw..."

"Ideas?" maang maangan kong tanong. 

"Yes. I'm an architect now. Kakaumpisa palang ng firm ko kaya I'm really looking forward na mapili ako ng Martinez Corporation" Tumango nalang ako. Pagkatapos na pagkatapos namin kumain ay agad agad na akong tumayo. "Thanks for this dinner. Mauna na ako. And dont worry about the bill, sagot ko na" sabi ko bago umalis.



As usual, I started my day early with a morning jog at my usual morning routine. I packed my things and took a shower then I headed back to manila. Tinawagan ko yung sinabi saking driver nila para sunduin ako from tagaytay to manila. Sobrang mahal kasi pag taxi. Ayaw ko rin naman mag bus kasi may maleta ako. I can naman pero hassle lang. Nakarating kami sa manila within 2 to 3 hours dahil hindi pa naman ganon ka traffic kasi maaga pa. Pag pasok ko sa building, everyone greeted me and I did the same. 

"Hi Ma'am. My name is Margaret Dizon and I will be your secretary" pakilala ng babaeng bigla nalang sumunod sakin na naka corporate attire at may hawak hawak na mga papeles at kung ano ano pang documento. Tumango nalang ako at pumasok na sa loob ng office ko. 

"Wala pa po kayong importanteng meetings and what nots ngayon. Bukas, may meeting po ang board members ng 10 am at may meeting din po kayo ng 1 pm para magpresent ang mga architects. Pero ngayon, tumatawag po sinyo si Mr. Castro para sa photoshoot nyo ng 1 pm"

Nanlaki ang mata ko sa aking sekretarya. Ang dami niyang sinabi. As in lahat talaga ng gagawin ko sinabi niya na. Walang labis walang kulang. Di tulad sa sekretarya ko sa Canada, ako parin ang nag babasa ng schedule ko, taga sulat lang siya at taga accept ng tawag. "T-Thanks Margaret" Nginitian niya nalang ako bago umalis.



Kinuha ko ang laptop ko mula sa aking bag at nagbasa muna ng mga articles tungkol sa kompanyang ito. This is my first time handling a big marketing firm. Pero napansin ko na kahit malaki na ang Martinez Corporation sa pilipinas, hindi parin sila nakakapag partnership with bigger brands like louis vuitton, prada, chanel at iba pang designer brands. Nag basa basa lang ako at nag research pa ng kaunti tungkol sa kompanya namin na ito. Mga 11 am ay lumabas na ako at nag lunch sa isang nearby restaurant at nag punta na sa sinabing meeting place namin nung photographer. 


Sa lobby ng isang engrandeng hotel kami nag kita nung photographer. Grand opening kasi ng hotel at ako ang napili ng may ari para tumaas ang publicity ng hotel "Hi Ms. Sancha, I'm Vicky, your manager" nag lahad siya ng kamay at nakipag shake hands. Bading si Vicky. Halatang halata naman sa tono ng pananalita niya. "Hi Vicky it's so nice to meet you" sabi ko ng nakangiti. "Naku Ms. Sancha, it's an honor to work with you. I read the fashion magazine ng chanel at talagang talented ka daw sa modeling"

"Naku ikaw naman... Haha wala yun. By the way nasan na pala ang photographer natin?" 

"Malelate daw siya ng kaunti. Pasensya na Ms. Sancha, but he's on his way na" 

Nag kwentuhan kami ni Vicky saglit at pagkatapos ay pinag usapan na namin ang theme ng photoshoot pati na ang aking susuotin. May makakasama din daw akong ibang model. Elegant ang theme at gagawin ang photoshoot sa pinaka magandang event room ng hotel. Kulay gold at kumikinang ang lahat. Nag stand out ako sa background dahil pinagsoot ako ng red velvet gown at black heels. Habang minemake up-an ako, I can't help but overheard Vicky's conversation over the phone. "Adrian, nasan ka na? PInagiintay mo pa si Sancha! She's the one doing us a favor tapos ikaw pa ang ganyan?"

"Well, fuck her! I dont need someone like her!" Hindi ganon kalayo si Vicky saken at naka speaker ata ang cellphone nya kaya ko narinig. Damn that Adrian! Kala niya naman kung sino siya. Siguro kung ano ang kinaganda ng katawan niya, ganon naman kapanget ang ugali niya. 

Ganon kasi mostly ang mga nakilala kong male models. Kung gano kaganda ang hubog ng kanilang mga katawan, ganon naman kapangit ang mga ugali dahil nag sisilakihan ang kanilang mga ulo, ayun, yumayabang. 

Tumayo ako at naglakad papalapit kay Vicky at inagaw sakanya ang telepono.

"If you dont want to work with us at ayaw mong makipag cooperate, edi wag. I'll speak to the owner of the hotel para icancel nalang ang contract mo sakanila. Nagsasayang lang sila ng pera sayo at sinasayang mo ang oras naming lahat." Mag sasalita pa sana siya pero binaba ko na ang linya. Binalik ko kay Vicky ang cellphone at naglakad na ulit pabalik sa aking upuan. 

"Pano na yan, wala na tayong male model"

"Pwede naman si Jason"

"Si Jason? Ni wala ngang abs yun!"

"Eh si Darwin?"

"May abs nga, hindi naman kagwapuhan" Nagkakagulo na sila. 

"Uhm, kaylangan ba talaga ng male model?" tanong ko. "OO!" sabay sabay nilang sigaw.

Nagkaguluhan na ang lahat. Tinatawagan nila ang lahat ng pwedeng tawagan. "Bakit?" tanong ko kay Vicky. "Kaylangan may partner ka kasi mga mag asawa ang target ng hotel na to for their honeymoon. Pano mo ma aadvertise yun kung ikaw lang" napa face palm si Vicky. I let down a deep sigh. 


"Sige na, ako na ang gagawa ng paraan" 


Kinuha ko ang cellphone mula sa aking bulsa at hinanap ko siya mula sa kaila-ilaliman ng aking contacts. "Nasan ka?"

One and OnlyWhere stories live. Discover now